Kris tanggap na hindi puwedeng makuha lahat ng bagay!
May sagot na agad si Kris Aquino sa naglalabasang isyu na masugid niyang manliligaw ang ex ng TV host na si Toni Rose Gayda na si Moonie Lim.
Sa kanyang social media accounts (sa Instagram at sa kanyang page na krisaquino.net), mahaba ang naging sagot ni Kris. Inamin niyang mayroon ngang suitor na napaka-thoughtful at ginagawang flower shop ang kanyang bahay pero diniretsa niya raw agad ang guy na itigil na ang pagpapadala ng bulaklak.
Narito ang kumpletong nilalaman ng post ni Kris:
“I normally would have ignored this but because Tito Ricky Lo is credible & an entertainment institution, I need to clarify.
Tuesday night on our way to my taping in Baclaran, Jasmin and Darla showed me an article also from PhilStar.com’s tabloid about my supposed new boyfriend… I will be PERFECTLY HONEST, I have casually had dinner “dates” w/ 2 people since my relationship w/ Mayor HB ended, neither of them is the man in this blind item… Derek is a dear friend & I know we will remain lifelong friends.
“The man in the articles has been thoughtful, to the point that my home could be a flower shop already, but I politely told him that even if I’m single, I am not interested & he should please stop sending flowers. I have never seen him face to face, we have never even spoken on the phone, hanggang text lang.
“Mali ako to have posted the flowers because it may have sent the wrong signal, wrong move on my part. Of course I still pray to not grow old alone, to have a partner who will marry me in Church & who will be someone who is comfortable w/ my past, accepts my 2 sons, and who will want to build a good future together.
“But I realize w/ my job, my schedule, and my responsibilities at present, a lasting, loving relationship is not possible. Kaya bakit ko ipipilit ang alam kong hindi pa pwede? Madalas yung bashers sinasabihan akong malandi ako, sabik sa lalaki at hindi na natuto…
“Well this time, MALING MALI kayo…
“I won’t tell you I’m perfectly happy because that would be a lie. But I am CONTENT, and I have surrendered my heart to God. He knows when the time will be right for love & in God’s perfect time He will bless me w/ the man who will be both my partner & my best friend…
“My Mom used to always remind me that it’s impossible to have it all, that I should prioritize & be grateful for what I do have. Bongga ang career, happy & alagang alaga ang mga anak ko, close & loving kami ng mga kapatid ko. For now okay na yun.
“Further truth, I lied when I said sa Buzz before the ice bucket challenge that I’ve moved on, I haven’t. May bubog pa sa puso… So I’ll repeat, all in God’s time.”
WATTPAD nakuha ng TV5
Usung-uso ang Wattpad ngayon sa mga kabataan na talagang nagpapatunay na nagbago na nga ang panahon. Gone are the days na bumibili ka pa ng pocket books para makapagbasa ng mga romance stories.
Ngayon, sa Internet na nagbabasa ang mga kabataan ng kanilang paboritong love stories at ito nga ang website na Wattpad.
Nagsimula noong 2006 ang Wattpadd at ngayon ay may 35 million readers at 5 million dito ay Filipino users.
Sa sobrang dami ng views ng ilan sa mga stories sa Wattpad, ginawa nang pelikula ang iba tulad ng Ang Diary ng Panget nina Nadine Lustre at James Reid at Dating the Gangster nina Daniel Padilla and Kathryn Bernardo.
Ngayon ay sa telebisyon naman mapapanood ang ilan sa mga pinaka-popular na love stories sa Wattpad. Ang TV5 ang naka-acquire ng rights para i-dramatize ang mga ito sa TV na magsisimula na sa Sept. 22, Monday. Isang linggo tatakbo ang bawat story.
For its initial offering, mapapanood sa Wattpad Presents sa Kapatid network ang My Tag Boyfriend na pagbibidahan ng real-life sweethearts na sina Jasmine Curtis-Smith and Sam Concepcion.
Ipinakita nga ang teaser nito sa presscon held last Thursday at sa totoo lang, mukhang cute ang story at pang-teenager talaga.
Isusunod naman agad dito ang Mr. Popular Meets Ms. Nobody starring Mark Neumann and Shaira Mae dela Cruz.
Third offering naman ang Poser starring Akihiro Blanco and Channel Morales. At ang finale story naman ay si Eula Caballero in Amost a Cinderella Story with leading man, Carl Guevarra.
- Latest