Pero umaming nagpabaya noon! Nora Aunor nag-emote sa kinahinatnan ng kontrata sa TV5
Halatang may tampo si Nora Aunor sa TV5. Sa panayam namin sa kanya kahapon sa presscon ng horror film niyang Dementia kasama ang iba pang entertainment press, sinabi niyang hindi siya masaya sa naging pagbabago sa kanyang kontrata sa Kapatid network.
Anu-ano ang pagbabago na hindi niya nagustuhan?
“Actually, ang nagawa ko lang na teleserye, ‘yung Sa Ngalan ng Ina, tapos Never Say Goodbye tapos, maano pa ‘yung istorya, siguro, may mga nakapanood naman nu’n, ayoko namang mamintas, pero kung ano ‘yung sinasabi ng mga nakapanood, ‘yun ang sundin natin. Tapos, puro guestings,” saad ni ate Guy.
Magtatapos na ngayong October 29 ang kanyang kontrata sa TV5 at bagama’t wala namang sinabi si Guy na hindi na siya magre-renew, makikipag-usap daw siya sa management tungkol dito.
“Nakalagay naman sa kontrata ko na kung may gagawin akong desisyon, pag-uusapan muna namin,” she said. “Kung kakausapin ako.”
Inamin din ni Guy na may mga naging pagkukulang din naman siya.
“Nagpabaya rin naman ako noong araw, eh, sa trabaho ko. Inaamin ko naman ‘yun. Pero hindi naman ako nang-iindian, ‘yung hindi sumisipot. Nale-late nga lang ako. Pero ‘pag may appointment ako, sinisigurado ko na mapupuntahan.
“Ang makakapigil lang sa akin, kung maysakit ako. Katulad nung sa Sa Ngalan ng Ina na tatlong beses ako naospital. And dapat ‘yun, sagot ng TV5, pero binawas din sa TF (talent fee) ko.
“Ibig sabihin, ewan ko kung naghihintay lang ako ng importansiya, hindi naman masama siguro na maghanap ka rin ng importansiya kahit papaano kasi kahit ano rin naman ang hilingin nila siyempre, dahil sa nakakontrata ako, pinagbibigyan ko naman lahat at wala naman silang masasabi sa akin,” pahayag pa ng Superstar.
Pero kahit walang regular show na napapanood ngayon ang mga fans niya, sa pelikula naman daw ay sunud-sunod siya. Bukod sa Dementia na showing na sa Sept. 24, malapit na rin daw ipalabas ang Padre de Familia na ginawa niya with Coco Martin. Mayroon din siyang Whistle Blower kasama naman si Angelica Panganiban.
Samantala, pangatlong horror film pa lang ni Guy ang Dementia in her entire career. The other two were Carmela and Magandang Gabi sa Inyong Lahat na 70s pa napanood.
Kasama naman ni Guy sa Dementia sina Bing Loyzaga, Yul Servo, Chynna Ortaleza, Althea Vega, Jeric Gonzalez, at marami pang iba. Directed by Percival Intalan, the movie is produced by Octobertrain Films and the IdealFirst Company, Inc. distributed by Regal Films.
Mother Lily nanghihingi ng justification sa ginawa ng PAMI
Sa naturang presscon ay nagbigay din ng statement si Mother Lily Monteverde hinggil naman sa naging stand ng PAMI (Professional Artist Managers, Inc.) laban sa direktor ng Kubot, the Aswang Chronicles 2 na si Erik Matti.
Isa sa producers ng Kubot ang anak ni Mother Lily na si Dondon Monteverde kaya naman hindi maiwasang hingan ang Regal matriarch ng reaksyon hinggil sa ginawang pagsuporta ng PAMI kina Lovi Poe and her manager, Leo Dominguez at pag-condemn naman kay Direk Erik sa ginawang pangba-bash sa aktres sa kanyang Facebook account.
“Ako naman, it’s nothing talaga,” simula ni Mother, “these things that happened to Dondon and also to Lovi Poe. But I really want to advice PAMI to justify the situation.
“Mag-justify muna kung ano ang nangyayari para ma-resolve. As I know, talagang mabait si Dondon. Hindi naman yan basta-basta magsasalita nang hindi totoo.
“What is important is to justify. Ano ba ang nangyayari kay Lovi Poe at saka ‘yung manager na si Leo Dominguez? You know, they are all my business partners,” pahayag pa ng Regal matriarch.
“Before they draw a conclusion, sa PAMI, work it out in peace,” pagtatapos ng producer.
- Latest