^

Pang Movies

Marya nahirapang maging misis ni Dingdong

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Sinasabi ng aktres na si Maricel So­ria­no na masaya siya sa naging resulta ng kanyang seryeng Ang Dalawang Mrs. Real dahil talaga namang naging hit iyon sa telebisyon. Iyon ngang isang kakilala namin, talagang nagmamadaling umuwi kung gabi para mapanood lang ang serye. Pero sinabi ni Maricel na natutuwa na rin siya at matatapos na ang serye sa linggong ito, dahil hirap na rin siya sa kanyang role. Hirap daw siyang kumbinsihin ang sarili na tama ang ginagawa ng kanyang charater sa serye.

Siguro nga nasabi lang niyang nahihirapan siya, pero mara­ming mas mabigat pang roles ang nagawa niya kahit na noong araw pa. Mas matindi pa sa role niya riyan sa Mrs. Real. Ang isang performance ni Maricel na hindi namin makalimutan ay doon sa pelikulang Saan Darating ang Umaga. Actually doon kami nakumbinsi na isa nga siyang mahusay na aktres.

Iyang serye ni Maricel ay isa sa mga serye ng GMA 7 na ititigil nila habang mataas ang ratings. Ang isa pang serye na itinigil nila habang mataas pa ang ratings ay iyong Niño. Marami ang nanghihinayang sa ganoong desisyon, pero sinasabi nga nila na gusto nilang tapusin ang kanilang mga serye habang mataas pa ang ratings.

Siguro nga marami silang ideas para sa mga bagong serye. Iyon lang ang masasabi naming dahilan kung bakit ang isang seryeng sinusundan ng maraming tao ay ititigil nila agad. Diskarte nila iyan sa kanilang network at baka nga may basehan naman sila sa ganyang paniniwala.

Anyway, going back to Maricel, ang nangyaring iyan sa kanyang serye ay isang sign na siguro nga kailangang gumawa pa siya ng mas maraming TV projects. Siguro nga kailangan na rin siyang muling gumawa ng pelikula. Mahusay naman siyang aktres, at naroroon pa rin naman pala ang malakas na following niya.

 

IYON

MARICEL

MARICEL SO

MRS. REAL

SAAN DARATING

SERYE

SIGURO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with