^

Pang Movies

Solenn hindi na masyadong priority ang kasal, maligaya na sa pakikipag-live in sa BF na Argentinian

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Solenn Heussaff is turning 30 na rin next year kaya hindi kataka-taka kung gusto na rin niyang mag-asawa.  Pero sa set ng Tiyanak nila nina Judy Ann Santos at Tom Rodriguez, sinabi niyang no problem na rin sa kanila ng Argentine boyfriend niyang si Nico Bolsico dahil four years na silang mag-boyfriend at three years na silang live-in kaya para na rin silang mag-asawa. Pero kung magpu-propose daw sa kanya ng kasal si Nico, hindi na niya ipagsasabi iyon, malalaman na raw lamang kapag nakitang may suot na siyang engagement ring. Para kay Solenn, alam daw niyang si Nico na talaga ang gusto niyang maging asawa. At ayaw na ring makialam ni Solenn sa mga nangyayari sa mga kaibigang sina Heart Evangelista at Lovi Poe pero naroon siya to support them.

Bagong Maynila mag-uumpisa na

May re-launching simula ngayong Sabado, September 13, ng morning drama serye na Maynila with a new theme entitled Maynila, Ang Kwento Mo. Nasa ika-16 na taon na ang serye na nagsimula noong 1998 na patuloy na nagbibigay ng inspirasyon ang bawat kuwentong ipinalalabas nila tuwing Sabado, 10:30 a.m. at nanatiling mataas ang ratings. Produced by Maynilad Golden Productions Inc., una itong hosted by former Manila Mayor now, Representative Lito Atienza. Ngayon ay patuloy siyang part ng Maynila, pero gumaganap na lamang siya ng mga cameo roles sa bawat episode.

Sa re-launch, nagpasalamat si Rep. Atienza kay Director Phil Noble, na siyang director nito for 15 years dahil ang first year nito ay si Joel Lamangan ang director; sa mga writer at production staff sa patuloy na pagbibigay nila ng magagandang kuwento at nagiging inspirasyon ng mga kabataan.  Naikuwento rin niyang kahit daw saan siya pumunta, dito man sa Pilipinas o sa ibang bansa na may GMA Pinoy TV, kilala siya at kinakantahan pa ng theme song ng Maynila.

Nagpasalamat din siya sa mga talent na gumaganap sa bawat episode at tuwing magti-taping raw siya, nakikita niya ang kakayahan ng mga ito sa pagganap. 

Ipinakita ni Direk Phil Noble ang first five episodes na natapos na nila: Papa’s Girl (Krystal Reyes/Julian Trono); Two Hearts, One Love (Max Collins/Carl Guevarra/Stephanie Sol); You’re Beautiful (Charee Pineda/Phytos Ramirez/Migs Cuaderno/Lenlen Frial); Bet Ko Si Beki (Empress Schuck/Kristoffer Martin); One Proud Love (Mark Herras/Nadine Samonte).

Dumalo rin sa re-launch ang ilan sa mga gumanap sa bawat episode, sina Mark Herras, Krystal Reyes, Joyce Ching, Jak Roberto, Zania Lopez, at siyempre pa, naging tampulan ng biro nang magkasabay dumating sina Kim Rodriguez at Kiko Estrada na magkatambal din sa bagong primetime drama ng GMA 7, ang Strawberry Lane.  Pero parehong nagdi-deny ang dalawa at best of friends daw lamang sila talaga.

ANG KWENTO MO

BAGONG MAYNILA

BET KO SI BEKI

CARL GUEVARRA

KRYSTAL REYES

MARK HERRAS

MAYNILA

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with