Paulo at Julia best dressed sa Star Magic Ball gown ni Megan OA na raw ang dating, Bea, Kim, Heart, Julia Montes pinuri-puri
Habang on-going ang 8th Star Magic Ball noong Sabado ng gabi sa Makati Shangri-La Hotel ay katakut-takot nang updates ang naglalabasan sa social media and showbiz websites. Kumpleto rin ang mga larawan kaya naman alam agad ng mga netizens kung ano ang kanilang mga kasuotan at kung sino ang ka-date nino.
Karamihan sa mga dumalo ay may kanya-kanyang date na kasama tulad nina Zanjoe Marudo and Bea Alonzo, Kim Chiu and Xian Lim, Gerald Anderson and Maja Salvador, Piolo Pascual and Iza Calzado, John Lloyd Cruz and Angelica Panganiban, Enchong Dee and his model-girlfriend, Samanta Lewis, Jake Cuenca and Fil-Aussie girlfriend, Chanel Olive Thomas, Joseph Marco and Alex Gonzaga, Billy Crawford and Coleen Garcia, Jason Abalos and Vickie Rushton, Daniel Padilla and Kathryn Bernardo, Erik Santos and Angeline Quinto, Robi Domingo and Gretchen Ho, Yeng Constantino and non-showbiz boyfriend Yan Asuncion, Sam Concepion and Jasmine Curtis, Jericho Rosales and wife Kim Jones, Richard Poon and Maricar Reyes, Dawn Zulueta with husband Anton Lagdameo, Sen. Grace Poe-Llamanzares and husband Neil Llamanzares and the newly engaged Sen. Chiz Escudero and Heart Evangelista.
Ang Pinoy Big Brother Winner na si Daniel Matsunaga ay kasamang dumalo ang sister na si Vanessa Matsunaga habang si John Estrada naman ay ang kanyang anak na si Inah Estrada ang kasama.
Pero mas marami sa kanila ang walang date at mag-isa lang dumalo tulad nina Coco Martin, Empress Schuck, JC de Vera, Julia Montes, Julia Barretto, Shaina Magdayao, Sam Milby, Matteo Guidecelli, Ejay Falcon, Jessy Mendiola, Erich Gonzales, Jodi Santamaria, Kean Cipriano, Neil Coleta, Arjo Atayde, 2013 Miss World Megan Young, JM de Guzman, Janella Salvador, Denise Laurel, Matt Evans, Jed Madela, Rayver Cruz, Joem Bascon, at marami pang iba.
Nakakatuwa ang mga comments ng netizens sa mga kasuotan ng mga celebrities. Puring-puri nila ang mga gowns nina Bea, Kim, Heart, Julia Montes, at Maricar habang pinintas-pintasan naman nila ang suot nina Maja at Janella. Sobrang ganda naman daw ng gown ni Megan at OA na raw ang dating. Pinintasan din ang outfit ni Jugs Jugueta na naka-maong lang.
Nagtataka naman ang marami kung bakit mag-isa si Matteo at hindi kasama ang girlfriend na si Sarah Geronimo. Granting na hindi ito Star Magic talent, marami naman ang dumalo na hindi rin talent ng naturang management. Well, baka naman may ibang commitment.
Samantala, sa unang pagkakataon ay in-expose na ni Enchong ang kanyang girlfriend. Maganda rin si Samantha, in fairness at ewan kung nagkataon, hawig siya kay Erich na matagal nang ka-love team ng aktor.
Anyway, hinirang na Best Dressed of the Night sina Paulo and Julia Barretto at Stars of the Night naman sina Gretchen Barretto and Richard Gomez.
Nanalo namang Couple of the Night sina John Lloyd and Angelica habang sina Iza at Piolo naman ang hinirang na Most Fabulous Pair of the Night.
KC mas pinili ang lola kaysa kay Paulo
Habang on-going ang Star Magic Ball ay nakita naman namin ang post na larawan ni KC Concepcion sa kanyang Instagram account na nasa hospital with her grandma, Elaine Cuneta.
This explains kung bakit wala ang aktres sa ball. Sa kanyang caption ay ipinaliwanag niyang dadalo sana siya sa event pero isinugod ang kanyang lola sa hospital.
“I was supposed to be at the Ball tonight in my RAJO (Laurel) gown. Mita got rushed to the ER & now confined at the hospi. As they say: #FamilyFirst. Aww! Thank you for inviting me to the Ball,@starmagicphils! Thinking of you all. It will be amazing for sure!!! Here at St. Luke’s with my best friend in the family. Love you all!” post ni KC.
Sa isang larawan nila ni Lola Elaine ay makikitang nakahilig si KC sa bandang tiyan ng kanyang lola at nakasaad naman sa caption niya na “Though I’m not at the fabulous Star Magic Ball tonight, being with my beautiful grandma at the hospi makes everything worthwhile!!! #FamilyAffajr #GetWellSoon #MitaElaine.”
Puring-puri naman ng kanyang fans ang pagiging isang napakabait na apo ni KC at agree ang lahat sa ginawa ng Ikaw Lamang star na isantabi ang party para lang makapiling ang lola sa hospital.
Ito ba ang dahilan kaya mag-isa lang si Paulo sa ball at walang ka-date? Sila ba sanang dalawa ang magkasama?
- Latest