Zanjoe pinaghahandaan na ang wedding proposal kay Bea
MANILA, Philippines - Closet gay ang role ni Zanjoe Marudo sa horror-drama ni Direk Wenn Deramas na Maria Leonora Teresa mula sa Star Cinema. No wonder, ka-level niya sa poster ng movie sina Iza Calzado at Jodi Santamaria.
Of course, alam naman ng lahat na lalaking-lalaki si Zanjoe at boyfriend siya ni Bea Alonzo. Kaya naman sa presscon ng movie, komo nga nauuso sa celebrities ngayon ang wedding proposal, natanong din siya kung wala ba siyang balak sumunod sa uso ng kasalan.
“Ngayon nga po, usung-uso ang…Nakiuso muna kami sa ice bucket (challenge). Pinaghahandaan ko po, pinaghahandaan ko po ‘yung ganoong bagay. Dahil alam ko naman na usung-uso ang mga ganoong bagay. Meron din namang binabagayan ‘yon, ‘di ba?
“Pero hindi naman porke ginagawa ‘yon ng iba, kahit hindi pa ready…So siguro pagdating ng tamang panahon. Uso man siya o hindi, mangyayari at mangyayari ‘yon. Pinaghahandaan ko po ‘yon,” pahayag ni Zanjoe.
Jodi horror na naman ang bagong movie
Sa nasabing movie, muling gumawa ng pelikula si Jodi after ilang years sa Star Cinema. Huli niyang ginawa ang isang episode sa Cinco at sa pagbabalik niya, horror muli ang natoka sa kanya. Pero sa ngayon, patuloy na umaarangkada ang career ni Jodi kung kelan siya nahiwalay sa asawa, huh!
“Before this everything came, I’m okey lang po. Contented na ako with what I’m doing and with what I have.
“Then, suddenly, heto nga po, na-bless ako ng magagandang proyekto. Binigyan ako ng oportunidad na makagawa ng mga bagay sa karera ko na hindi ko inakala na magiging posible pa pala.
“And siyempre, lahat ngayon, pinagpapasalamat ko sa Panginoon. Alam ko po na…Alam ko po na inihanda na Niya ako rito. Bago Niya po ako binigyan ng mga blessing, I know that He has prepared me first to make sure ko na maalagaan ko po at ma-treasure ko ang ibibigay Niya sa akin,” katwiran ni Jodi sa magagandang breaks sa kanyang career.
Jed nakakapag-concentrate sa concert kahit member na ng NCCA
Nadagdagan man ang responsibilidad ni Jed Madela nang italaga bilang member ng executive committee on music ng National Commission on Culture and Arts (NCCA), nakasentro pa rin ang focus niya sa kanyang singing at concert career.
Matapos nga ang matagumpay niyang All Requests sa Music Museum, pinaghahandaan na niya ang All Requests 2 sa MM sa September 12. Ayaw nga lang niyang sabihin na repeat ito nang unang ginawa dahil marami pa siyang kantang iparirinig sa bagong konsiyerto.
“Ayokong sabihin kasi na repeat. Ako kasi ‘yung artist na never…As much as possible, ayokong ulitin. Lalo na kasi alam kong maraming regular na nanonood.
“That’s also the reason why we call it All Request 2. Sa title pa lang, ibahin na natin. There are some songs na tatanggalin sa una na hindi masyadong na-feel ng tao. Tapos maglalagay kami ng bagong songs,” pahayag ni Jed sa presscon ng kanyang concert.
Ang bago sa part 2 ng concert niya ay ang pagkakaroon ng guest performers na wala sa una. Isa na rito ang grupong Y Fi, na taga-Davao, ang grand champion winner performers of the world for 2014 sa WCOPA, ang Extreme Dancers mula sa Koronadal at The Voice Kids finalist na si Darren Espanto kung saan magkakaroon sila ng voice showdown.
- Latest