^

Pang Movies

Hindi puwedeng mabasa ‘pag rumarampa pinagpapantasyahang aktor may lihim sa balat!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

May dahilan pala kung bakit hindi sumasabay ang hunk actor na ito sa ibang tao kapag nagbibihis siya. May sarili siyang lugar kung saan siya naghuhubad at nagbibihis.

Ang tanging nakakasama lang niya sa lugar niyang iyon ay ang kanyang personal assistant.

In all fairness, maganda ang pangangatawan ng hunk actor at maraming lalaki ang maiinggit sa kanyang pangangatawan.

‘Yun nga lang may kaunting insecurity ang hunk actor kahit na sabihing kagandahan ang katawan niya.

May problema kasi sa kanyang balat ang hunk actor kaya ito nahihiyang makipagsabayan na maghubad sa dressing room. Kaya hangga’t maaari ay tinatago niya ang kanyang skin problem dahil tinatakpan pa niya ito ng makeup.

Ang personal assistant lang daw ni hunk actor ang siyang naglalagay ng makeup. Kung wala naman daw ang assistant niya, si hunk actor mismo ang naglalagay. Alam na raw kasi niya kung paano mag-apply para maitago ang hindi kagandahang mantsa sa kanyang balat.

“Kaya tuwing kailangan siya sa isang sexy fashion show, may dala siyang sariling makeup at pakiusap niya na huwag siyang basain ng tubig. Baka nga naman humulas ang makeup at ma-turn off pa ang mga nagpapantasya sa kanya.”

Nagpapatingin naman daw sa isang kilalang dermatologist ang hunk actor pero matagal daw na gamutan ang mangyayari para mawala ang mga tsismis nito sa balat.

Dementia ni Nora hinihintay ipalabas para maIsama sa pagpipilian sa Oscars

Inanunsyo na nga ng Film Academy of the Philippines ang seven-member special committee na binuo para sa pagpili kung ano’ng pelikula ang ipapadala bilang official Philippine entry para sa best foreign language film category ng 87th Academy Awards or the Oscars.

Binubuo nga ng naturang special committee ang aktor na si Robert Arevalo, actress-director Laurice Guillen, actor-director Jun Urbano, film director William Mayo, director-writer Joe Carreon, actress-director Gina Alajar at film editor Jess Navarro.

Bubuo muna sila ng shortlist mula sa mga pelikulang ipinalabas mula October 1, 2013 hanggang September 30, 2014. Ito lang ang mga eligible to qualify para sa naturang shortlist.

Ang dalawang pelikulang sigurado na raw pasok sa shortlist ay ang pelikula ni Lav Diaz na Norte, Hangganan ng Kasaysayan at Barber’s Tales (Mga Kuwentong Barbero) ni Jun Lana.

May September play dates naman ang dalawang pelikula na puwedeng pumasok sa shortlist. Ito ay ang Dementia ni Perci Intalan at Mula sa Kung Ano ang Noon ni Lav Diaz.

 

ACADEMY AWARDS

ACTOR

FILM ACADEMY OF THE PHILIPPINES

GINA ALAJAR

HUNK

JESS NAVARRO

JOE CARREON

JUN LANA

LAV DIAZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with