Sa lalaki at lugar Heart at Cesca pareho ng taste
Guess whose wedding sana pala ang na-bumped off, had not the Senator Chiz Escudero-Heart Evangelista nuptials been moved to February 15, 2015 (official na raw ito, Salve A.,) instead of the original plan of the engaged couple sa February 14, also next year, na 30th birthday din ni Heart?
Well, kasal sana ni Cesca Litton, former host ng ilang show ng ABS-CBN sa boyfriend niyang non-showbiz na si Tyke Kalaw.
Puwede nang matuloy ang kasal ng dalawa exactly on February 14, 2015, in Balesin Island in Quezon, the same venue na pagkakasalan din nina Senator Chiz at Heart the following day. Pero ‘yan at kung magbago ang isip nila. Nagsabi na kasi sina Cesca na hindi na nila itutuloy ang kanilang kasal sa Balesin matapos nga ang naturang insidente. Gagawin na lang daw ito sa ibang venue.
Of Cesca and Tyke, reportedly former classmates sila.
In any case, kailangan pa bang sabihin na may something in common itong sina Heart at Cesca?
Well pareho silang naging girlfriend ni Jericho Rosales. In fairness, one after the other.
Jericho himself is now married to Fil-Aussie Kim Jones.
Jericho balik-Star Magic
Speaking of Jericho, tiyak irarampa niya sa Star Magic Ball on September 6 ang kanyang wife na si Kim.
First time na makikita in public ang mag-asawa, who were married May this year.
Formerly a talent ng Genesis, a talent agency owned by sisters-in-law, Angeli Pangilinan at Gina Martinez, Jericho is back to being a contract talent ng Star Magic.
Angel may sisimulang bagong comedy series
Hoping ang mga staff behind the new defunct sitcom, Toda Max, na makatrabahong muli si Angel Locsin, who co-starred in the project with Vhong Navarro.
Robin Padilla was a co-star too, but only for a while.
Ani Rocky Ubana, executive producer ng Toda Max, ‘‘Magaan kasing katrabaho si Gel (pet name ni Angel).
‘‘Madaling pakibagayan.’’
Well, Rocky, together with Linggit Tan-Marasigan, business unit head ABS-CBN for comedy, Rhandy Reyes and Alex Calleja, creative manager and writer, respectively of Toda Max, met with Angel recently. Yes, for a possible new project. Isang comedy series din.
In fairness, nagustuhan ni Angel ang concept. Lalo’t ang possibility na makatrabaho niyang muli ang dating mga ka-team niya sa Toda Max.
Anytime soon, according to Rocky again, they might pitch the project to the possible leading man they have in mind for Angel.
‘‘Once umoo siya (the lead actor), go na kami with the production,’’ pahayag na muli ni Rocky.
Approved na raw ang concept na ito ng mga bossing ng ABS-CBN kaya malaki talaga ang chance na matuloy ito.
Pangalan ni Kathryn galing kay Chanda Romero
May second name pala si Kathryn Bernardo, Chandria.
‘‘Dapat Chanda ang Chandria,’’ said Kathryn’s Mom, Min. ‘‘We modernized it, kumbaga.’’
Well, Chanda is Chanda Romero, na favorite actress pala kahit ngayon, ng Daddy ni Kathryn na si Teddy. In fact, wala raw pelikula si Chanda na ‘di nito napanood, including Pagputi ng Uwak, Pag-itim ng Tagak, directed by the late Celso Ad. Castillo.
You bet na pinanood din ng ama ni Kathryn ang series na My Husband’s Lover (yes, in the other channel), dahil gumanap doon si Chanda bilang mother ni Dennis Trillo.
Though to date, Chanda is considered one of the country’s best actresses, ‘di siya naging teenage queen, tulad ni Kathryn.
Chanda was in her 20s when she was discovered from showbiz.
She is from Cebu.
- Latest