^

Pang Movies

Motorcycle Diaries tatlong taon na, Europa lilibutin

Pang-masa

MANILA, Philippines - Angkas na sa pinakaengrandeng paglalakbay ng Motorcycle Diaries ng GMA News TV dahil lilibutin ng broadcast journalist na si Jay Taruc ang Europa simula ngayong Huwebes para sa 3rd anniversary special ng programa – ang Europe Expedition.

Sa Europe Expedition, bibisitahin ng Motorcycle Diaries ang limang bansa sa Europa - Austria, Germany, Italy, France, at Vatican City –sa loob ng limang linggo simula Setyembre 4 kung saan matutunghayan ang ibat’ ibang kuwento ng mga tao, kultura, pagkain, pasyalan at maging ng mga Pilipinong naninirahan sa mga nasabing lugar.

Kasama ang kaibigan at kapwa rider na si Joey Almeda, unang destinasyon ng Motorcycle Diaries ang mga bansang Austria at Gernany. 

Sa Austria, dadaluhan ng grupo ang isang motorcycle conference kung masasaksihan nila ang makapigil hiningang freestyle aerial stunt performance ng grupong FMX4ever.

At sa isang pambihirang pagkakataon, makakapasok ang grupo ng Motorcycle Diaries sa pagawaan ng KTM na kilalang brand ng motorsiklo sa Europa.  Dito masasaksihan kung paano binubuo ang mga motorsiklo - mula sa high-tech na assembly line hanggang sa mabusisi at manu-manong pagkakabit ng ilang bahagi ng motor. Sa kanilang paglilibot sa pagawaan ng motorsiklo, makikilala nila ang Pinay engineer na si Ardaye, ang nag-iisang Pilipino na nagtatrabaho sa kumpanyang ito.

Ilang sikat na pasyalan at bahay naman ng mga kilalang tao sa larangan ng siyensiya at kasaysayan ang masisilip rin nila Jay sa Salzburg, Austria tulad ng bahay ni Wolfgang Amadeus Mozart. 

Mula Austria, pupunta naman sila Jay sa Munich, Germany.  Kilala ang Marienplatz o St. Mary’s Square sa Munich bilang pangunahing pasyalan dahil sa mga natatanging arkitekturang makikita rito tulad ng Neues Rathaus o bagong City Hall ng Munich na sinimulang itayo noong 1867 at natapos noong 1909. Sa Marienplatz makikilala nila Jay ang Pinay na si Lura. Kasama ng asawa nitong Aleman na si George, ipapatikim ni Lura sa Motorcycle Diaries ang Schweinshaxe, isang putaheng Aleman at ipinagmamalaking beer ng Augustiner Brewery, isa sa pinakamatandang brewery sa Munich na nagbukas noon pang 1328!

Sa nasabing Europe Expedition, hindi rin mawawala ang pagbisita ng grupo sa Leaning tower of Pisa sa Italy at St. Peter’s Square sa Vatican City.  Sulyapan rin sa anniversary special na ito ang sikat na Eiffel tower sa Paris at kilalanin ang ilang mga Pinoy artist na nakasalamuha ni Jay dito.  Sumakay din siya sa sikat na gondola ng Venice at sakay naman ng motorsiklo ay lilibutin ng grupo ang mga magagandang pasyalan sa Roma.

Pero hindi lahat ng paglalakbay ay puno ng saya dahil naranasan ng grupo ng Motorcycle Diaries ang manakawan sa Europa bago pa matapos ang nasabing Europe Expedition.  Paano haharapin ng grupo ang nasabing problema?

ALEMAN

AUGUSTINER BREWERY

CITY HALL

EUROPE EXPEDITION

JAY TARUC

JOEY ALMEDA

KASAMA

MOTORCYCLE DIARIES

VATICAN CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with