^

Pang Movies

Slit ng gown ni Anne mas mataas pa sa baywang

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Imposibleng hindi natuwa sina Sam Milby, Anne Curtis, at Cristine Reyes sa good reviews ng entertainment press sa The Gifted na nagkaroon ng special screening sa sosyal na Director’s Club ng SM Megamall noong Lunes.

Positive ang lahat ng reviews ng mga reporter na nag-enjoy sa panonood ng The Gifted at tiyak na makakatulong ang kanilang good comments para pilahan sa box-office ang pelikula ng Viva Films na showing ngayon sa mga sinehan.

Ang sabi ng mga nakapanood sa The Gifted, hindi naman malaswa ang gown na hanggang baywang ang slit na ginamit ni Anne sa isang eksena. Kitang-kita raw na may suot siya na  skin tone underwear kaya walang private part na puwedeng ma-sight.

Si Chris Martinez ang direktor ng The Gifted at nagustuhan niya na katrabaho si Anne.

Type ni Chris na makasama uli sa ibang project  si Anne pero depende ito sa schedule ng aktres na busy as a bee.

Kung kasing ganda ng The Gifted ang next project ni Chris, walang dahilan para tumanggi si Anne na magaan na katrabaho dahil walang karekla-reklamo.

Tom courting pa lang kahit nagbababad na si Carla sa taping

Courting pa lang si Tom Rodriguez  ang press release tungkol sa closeness nila ngayon ni Carla Abellana.

Iba ang sinasabi ng mga tao sa kanilang paligid, obvious daw na malalim na ang friendship ng dalawa na posibleng humantong sa relasyon.

Nabalitaan ko ang pagbabantay ni Carla  kay Tom sa taping ng Don’t Lose The Money. Para magbantay si Carla, tiyak na may pagtingin din siya kay Tom. Baka na-develop na rin ang feelings niya para sa binata dahil sa madalas na pagtutukso sa kanila sa isa’t isa.

Miss X nina Mark at Vilma hindi makalimutan

Naikuwento ko sa column ko sa PSN (Pilipino Star NGAYON) ang friendship namin ni Mark Gil na nagsimula sa shooting ng Miss X sa Amsterdam.

Blockbuster noon ang Miss X dahil sa kuwento nito at mapangahas na mga eksena nina Mark at Batangas Governor Vilma Santos-Recto.

Pinag-usapan noon ang pagpasok at pagdi-display kay Mama Vi sa loob ng isang eskaparte o glass window sa red light district ng Amsterdam.

Prostitute ang role ni Mama Vi sa Miss X at inilalagay sa mga show window ang mga pokpok sa Amsterdam.

Ang Dito Ba na hit song ni Kuh Ledesma ang theme song ng Miss X. Sa tuwing naririnig ko ang Dito Ba, ang Amsterdam trip namin ang naaalaala ko at ganito rin siguro ang pakiramdam ni Mama Vi kapag naririnig niya ang kanta ni Kuh.

Nag-trip down memory lane ako nang bumalik ako sa Amsterdam noong July 2014, pagkatapos ng stem cell therapy treatment sa akin sa Germany. Malaki na ang ipinagbago ng red light district ng Amsterdam pero na-remember ko pa rin ang mga lugar na pinuntahan namin noong 1980. Imagine, thirty four years-old na pala ang Miss X?

Muntik nang magkaroon ng remake ang Miss X pero naudlot.

Binalak ni Boss Orly Ilacad ng OctoArts Films na isapelikula uli ang Miss X noong 2009 at si Katrina Halili ang pinili niya na bida.

Nabulilyaso ang plano ni Boss Orly dahil nasangkot si Katrina sa sex video scandal.

Kumalat ang balita na interesado ang Viva Films na gawin ang Miss X na pagbibidahan naman ni Cristine Reyes.

Ang latest news, hindi na itutuloy ng Viva Films ang project at kung bakit, ‘yan ang aking iimbestigahan.

 

vuukle comment

ANG DITO BA

BATANGAS GOVERNOR VILMA SANTOS-RECTO

BOSS ORLY

CARLA

MAMA VI

MISS

MISS X

VIVA FILMS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with