^

Pang Movies

Kuya mamahinga na, PBB final season daw na next year!

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Hindi pa man humuhupa ang mainit na pinag-uusapan na katatapos na Pinoy Big Brother: All In last Sunday, kung saan Big Winner si Daniel Matsunaga, nakaplano na agad ang PBB 2015.

Bale ba ika-10th anniversary pala next year ng PBB, kaso ang sabi ay ending na ito ng palabas ni Kuya. Ang plano umano ay ipapasok muli sa Bahay ni Kuya ang mga ex housemates na nagmarka sa iba’t ibang edition na may tentative title, Pinoy Big Brother All-Stars. Kaya ito na ang magiging final season ng Pinoy Big Brother franchise.

Ngayon pa nga lang ay nakaka-miss na ang mga happenings sa loob ng PBB house, much more kung tuluyan nang hindi maririnig ang boses ni Big Brother.

For sure na titiyakin naman ng ABS-CBN na magiging the best ang final season ng PBB next year.

Tyrone Oneza ginanahang kumanta dahil kay Kris

Natuwa ang nagbabalik na si Tyrone Oneza na hindi siya inisnab ni Kris Aquino nang abutan niya ito ng kanyang self-titled album nang magkrus ang landas nila sa simbahan ng Baclaran kamakailan.

Mas lalo pang natuwa si Tyrone nang banggitin ni Kris sa Twitter account niya na nagustuhan nito ang isa niyang kanta sa album na Nag-iisa Ako, Maghihintay Sa ‘Yo.

Dagdag pogi points ito kay Tyrone na nag-launch ng kanyang self-titled album na may carrier single na Dito Sa ‘king Piling last Tuesday, sa Hotel Rembrandt sa Tomas Morato Ave. Quezon City.

Dati nang sumubok mag-artista si Tyrone at napasama pa siya sa movie nina Jestoni Alarcon, Rita Avila, Romnick Sarmenta, ER Ejercito, at sa pelikula ni Cesar Montano na Sumayaw Ka Salome.

Nag-migrate ang pamilya niya sa Spain kung saan siya nagtrabaho, pero nagawa pa rin niyang kumanta at mag-perform sa mga event sa iba pang bansa. Tulad nang mag-front act siya sa concert ni Lani Misalucha sa Tokyo, Japan at ni Ai-Ai Delas Alas sa show naman nito sa Singapore minsan.

Ngayon, bumalik siya ng ‘Pinas at na-miss niya muli ang showbiz. Lalong hindi siya nakatanggi sa tulong ng composer na si Vehnee Saturno kaya nabuo ang kanyang album. Ginanahan siyang mag-promote ng kanyang album sa mga mall dahil sa aprub nga ang kanyang kanta kina Vehnee at Kris kaya sobrang thankful siya sa mga ito.

Meaningful pa kay Tyrone ang kantang Nag-iisa Ako, Maghihintay Sa ‘yo, dahil kinompose nila ng nanay niya ang nasabing kanta. Kaya mas lalo pang nagiging emosyonal si Tyrone, na  tinaguriang balladeer ng masa tuwing kakantahin niya ito.

Ang album niya ay naglalaman ng kantang Dito Sa Aking Piling, Hanggang Ngayo’y Ikaw, Ikaw ang Christmas Ko, at ang dalawang revival songs na Nanghihinayang at Pangako sa bagong areglo ni Mr. Saturno na prinodyus ng TYJ Records.

vuukle comment

AI-AI DELAS ALAS

ALL IN

BIG BROTHER

BIG WINNER

CESAR MONTANO

CHRISTMAS KO

MAGHIHINTAY SA

PINOY BIG BROTHER

TYRONE ONEZA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with