^

Pang Movies

2014 MBC National Choral competition bukas na sa mga gustong sumali

Pang-masa

MANILA, Philippines - Inaanyayahan ng Manila Broadcasting Company ang iba’t ibang choirs mula sa mga paaralan, parokya, komunidad, tanggapan, at maging mga special interest groups na lumahok sa 2014 MBC National Choral Competition.

Itinuturing bilang pinakamalaking all-inclusive choral competition sa bansa, tampok dito ang labanan sa children’s division at open category.  Mahigit isandaang libong piso ang nakalaan sa mga magwawagi.

Magsasagawa ng live auditions sa Cauayan, Isabela (September 27), Iloilo (October 4), at sa Star Theater sa Pasay (October 12).

Ang mga choir sa iba pang mga lalawigan ay maa­ring mag-audition sa pamamagitan ng pagpapadala ng high-quality video lakip ang application form.  Dapat itong matanggap sa MBC head office bago mag-ika-10 ng Oktubre.  

Ang detalyadong contest mechanics ay maaring makita sa official Facebook page ng MBC National Choral Competitions

Maaring magpare­histro o magbigay ng iba pa’ng katanungan sa 89.7 Yes FM Cauayan – 0917.433.0344;    97.5 Love Radio Iloilo – 0917.501.7070;  o kaya’y mag- email sa [email protected] para sa Mega Manila auditions.

 

CAUAYAN

DAPAT

LOVE RADIO ILOILO

MANILA BROADCASTING COMPANY

MEGA MANILA

NATIONAL CHORAL COMPETITION

NATIONAL CHORAL COMPETITIONS

STAR THEATER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with