May fashion statement pa ‘pag nagpupunta sa korte Deniece wala sa hitsurang nagdurusa sa kulungan
Kung naging artista si Deniece Cornejo, papasa siya na bida ng remake ng old movie na Kung Mangarap Ka’t Magising.
Bakit kamo? Nangangarap nang gising si Deniece sa pralala niya na dapat mag-apologize sa kanya si Vhong Navarro dahil sa mga nangyari sa kanila noong fateful night ng January 22, 2014.
Paulit-ulit ang pralala ni Deniece, kahit nagsalita nang tapos si Vhong na hindi ito hihingi ng sorry at hindi siya makikipag-areglo sa kampo nina Cornejo at Cedric Lee.
Ikinagulat ng supporters ni Vhong ang itsura ni Deniece nang umapir ito sa hearing ng kanilang kaso noong Martes.
Walang-wala kasi sa itsura ni Deniece na nakakulong ito sa Camp Crame nang umapir siya sa korte.
Business attire with matching shades ang fashion statement ni Deniece kaya hindi maiwasan na mag-isip ng mga usisero na nakakatanggap siya ng special treatment sa loob ng kulungan. Kontrang-kontra ang kanyang outfit sa orange BJMP uniform nina Cedric at Zimmer Raz sa loob ng Taguig City Jail.
Puwedeng sinadya ni Deniece na maging pustoryosa para ipakita niya sa buong mundo na hindi siya affected ng mga demanda laban sa kanya. Kung anuman ang motibo ni Deniece, tanging siya lamang ang nakakaalam pero nadadamay sa isyu ang mga tauhan ng PNP na napagbibintangan na nagbibigay sa kanya ng special treatment dahil sa drama niya.
BB hindi nakapagpigil sa tumatawag sa kanyang Rustom
Naimbyerna si BB Gandanghari sa isang photographer na paulit-ulit na tinawag siya sa kanyang old name na Rustom.
Literal na tinarayan ni BB ang mahaderang photographer dahil sa iritasyon niya.
May reason si BB para magalit dahil natanggap na nga niya at ng kanyang pamilya ang pagbabagong-anyo pero hindi ito ma-accept ng natameme na photographer.
Lesson sa mga future na makakasalamuha ni BB ang insidente. Make sure na BB ang itawag ninyo sa kanya para hindi masira ang araw niya. BB is BB, not Rustom. Period!
Bucket Challenge ginawang katsipan
Walang naglalakas-loob na mag-nominate sa akin sa ALS Ice Bucket Challenge.
Alam yata nila na hindi ko type na mabuhusan ng tubig na may yelo at mas interesado ako sa donasyon na US$100.
Hindi na believable ang mga kiyeme-kiyemeng Ice Bucket Challenge ng mga artista. Nakiki-ride on lamang ang iba para mapag-usapan at masabi na hindi sila napag-iiwanan.
Wala talaga sa bokabularyo ko na gawin ang Ice Bucket Challenge na ginawang katsipan ng ibang mga local celebrity. Nawala na ang tunay na essence ng challenge. Ni hindi nga alam ng ibang artista ang ibig sabihin ng ALS ‘no! Arya lang sila nang arya sa pagbubuhos ng malamig na tubig na kasing-lamig ng takbo ng kanilang mga showbiz career.
Kumpirmado, dalawang Exec. ng isang network matindi ang away
Confirmed na may iringan ang dalawang TV executives at ayon ito sa mga saksi sa kanilang pagtatarayan.
Alam ng mga insider na may hidwaan ang mga TV executive na hindi magkasundo dahil magkaibang-magkaiba ang kanilang mga idea at concept ng mga television show ng TV network na pinaglilingkuran nila.
Matira ang matibay ang drama ng mga nagbabangayan na TV executive. Kung sino ang mababalitaan natin na hindi nakatagal sa kanyang work, siya ang tiyak na natalo kaya nagbabu.
- Latest