Sharon kulang sa pagpipigil sa pagkain
MANILA, Philippines - Hindi dapat makaramdam ng depression ang nag-iisang Megastar Sharon Cuneta. Minsan na rin niyang sinubukan noon na magpapayat at nagawa naman niya. Marahil lang, minsan ding nagkulang ng pagtitimpi si Megastar sa hapag-kainan. Dapat, kahit anong sarap ang nakahain sa harapan niya, subukan niyang pigilan ang sarili. Patikim-tikim lang dapat at tiyak maiiwasan ang pagtaba. Alam ba ninyo maraming sangkap na lahok ang mga putahe ng pagkain ngayon at nagiging sanhi ng pagtaba. Kung maari lang, mga organic food ang harapin niya.
Sakripisyo dapat ang gawin nito pero dapat pagtiisan din. ‘Yung ilang kapwa niya artista, na walang project, walang pera, at wala ring kaibigan pero hindi naman nadi-depress.
May nagkokomento rin, dapat daw ay madalas na bisitahin ni KC Concepcion ang ina. Kwentuhan niya ito para malibang naman. Hindi ‘yung palagi na lang sa text siya nakikipag-communicate sa ina o kaya’y patawag-tawag lang. Iba pa rin ‘yung kausap niya ito nang harapan. Tsikahin niya si Megastar.
Hindi nga ba nabalita na kung hindi pa niya nabasa sa peryodiko, ay hindi nito malalaman na depressed pala ang ina? Meron bang ganun?
Mahalagang makausap at mayakap man lang sana ni KC ang ina. Kung pupuwede nga lang, patatawanin namin si Megastar kapag nakakakwentuhan namin siya. Sa mga artista, isa si Megastar sa masarap kausap. Palagi siyang may sagot sa aming kwento sa kanya. Ang problema, hindi ganu’n kadaling makaharap mo si Megastar. Kailangang tumulay sa alambre bago mo makausap ito nang harapan.
Dapat magpapayat ka, sayang ‘yung project na makakasama mo si Aga Muclach at Richard Gomez. Kailangan magpa-slim ka para mapantayan mo ang ganda ng iyong katawan. At para na rin wala kang problema dahil health is wealth.
Kapistahan pinasayanina Paulo at Diane
Masaya ang bisperas ng kapistahan ng Baliuag Bulacan dahil kay Hermano Mayor na si Allan Tengco. Ibinalik kasi niya ang traditional na kasayahan ng mga taga-Baliuag. Kasama rito ang mga musiko street dancing at mga palaro. Noong Saturday, nagkaroon ng Motoracade sa Bayan ng Baliuag, tampok sina Paulo Avelino, Diane Medina, Rodjun Cruz, Derrick Monasterio, Jak Roberto, at Ken Chan.
- Latest