^

Pang Movies

Crush na crush Kris ‘di makatingin nang diretso kay Dennis

FREE LANCER - Emy Abuan Bautista - Pang-masa

Inamin ni Kris Bernal na may crush siya kay Dennis Trillo. Katunayan nahihiya siyang tumingin sa mga mata nito dahil malakas ang pang-akit ng kanyang mata ayon pa sa aktres.

Magkapareha ang dalawa sa teleseryeng Hiram Na Alaala na mapapanood na ngayong Setyembre. Hindi kataka-taka na baka ma-link sila sa isa’t isa dahil pareho silang loveless, ‘di ba?

Sa kabilang banda, kahit tuksuhin sina Bela Padilla at Dennis Trillo dahil sa bago nilang teleserye ay hindi   puwede dahil taken na ang dalaga. May nobyo na ito — si Neil Arce at mahal na mahal ito ng aktres.

Isabelle nagparetoke ng ilong

Nainterbyu ng press people si Isabelle de Leon na mas lalong kilala sa sitcom na Duday sa Daddy Di Do Du. May nagtanong sa kanya kung ‘di ba siya nagparetoke ng ilong dahil gumanda siya ngayon at tumangos ang ilong. Pero pinabulaanan niya na nagparetoke siya.

Ano ang pinagkakaabalahan ng young actress nang mawala sandali sa showbiz?

‘‘Naging abala ako sa pagiging singer at songwriter. Mabuti na lang at nabigyan ako ng oportunidad ng TV5 na magkaroon ng musical show — ang Trenderas kung saan nag-undergo pa ako ng workshop,’’ kuwento ng young actress.

Close ito sa mga kasamahang sina Lara Maigue at Katrina Velarde kung saan nag-bonding na sila.

Marami nang shows na nilabasan si Isabelle sa GMA gaya ng Love To Love, Mulawin, Fantastikids at naging title role sa Munting Anghel. Naging Best Child Actress din si Isabelle sa pelikulang Magnifico.

Naging nominee ito sa Gawad Urian award for Best Supporting Actress sa Magnifico noong 2003.

vuukle comment

BELA PADILLA

BEST SUPPORTING ACTRESS

DADDY DI DO DU

DENNIS TRILLO

GAWAD URIAN

HIRAM NA ALAALA

KATRINA VELARDE

KRIS BERNAL

LARA MAIGUE

LOVE TO LOVE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with