Dennis bawal ligawan si Bela!
Maraming kinilig sa magkasamang pagpu-promote nina Dennis Trillo at Bela Padilla ng first team-up nila sa GMA 7, ang doc-serye nilang Sa Puso ni Dok. Bagay daw at may chemistry ang dalawa at nanghihinayang silang taken na si Bela (may boyfriend na siya, si Neil Arce), ngayong single naman daw si Dennis.
Anyways, ikinatutuwa ng fans ni Dennis na muli na naman nilang mapapanood ang kanilang idolo simula mamayang gabi, pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho. Naiinip na raw kasi sila dahil October 2013 pa nila huling napanood Dennis sa beki seryeng My Husband’s Lover. For ten months, napanood lamang nila si Dennis sa indie film nitong The Janitor at paminsang-minsang paggi-guest sa Sunday All Stars.
Six Sundays lamang mapapanood ang Sa Puso Ni Dok na gaganap si Dennis bilang si Doc Dennis, guwapo pero istrikto at maparaang head resident doctor ng Melchora Aquino General Hospital. Si Bela naman ay si Doc Gab na kailangang tapusin ang kanyang return service program bago makapagtrabaho sa ibang bansa.
Mula ito sa direksyon ni Adolf Alix, Jr.
After ng doc-serye ni Dennis, eere na rin ang bago niyang drama series sa GMA 7, ang Hiram Na Alaala with Kris Bernal, Rocco Nacino, and Lauren Young.
Ex-housemate iba ang tingin kay Jane
Tonight, at Resorts World Manila na ang Big Night ng Pinoy Big Brother All In kung saan may mga performances ang lahat ng housemates ni Kuya. Na-meet namin ang isa sa mga evicted housemate na si Jacob Benedicto na nakilala bilang “Cutie Crooner ng Parañaque,” nang pumasok siya sa bahay ni Kuya last April 27. Hindi kami magtataka kung itutuloy siyang kunin ng Star Magic pagkatapos ng six months contract niya sa PBB dahil guwapo, he stands 5’10, singer, host, model, at performer. Bago pa siya napasok sa bahay ni Kuya, member na siya ng Trumpets at naka-join na siya ng stage plays nila. Aminado si Jacob na nag-audition siya sa PBB All In dahil gusto naman niyang mag-try sa showbiz para kumita. Ten years siya sa Indonesia, four years old pa lamang siya nang pumunta ang family niya roon dahil nagtrabaho ang daddy niya sa Unilab doon. Bumalik sila sa bansa when he was fourteen years old, hindi siya marunong mag-Tagalog. Pero madali raw naman siyang natutong mag-Tagalog and he’s taking Communication Arts ngayon sa La Salle University in Taft Avenue, Manila.
Thankful si Jacob kina Kim at Kristine Ilarde, may-ari ng Skin Central, na kinuha na siyang celebrity endorser nila.
Natanong pala namin si Jacob, kung sino sa palagay niya ang dapat manalo tonight. Gusto niyang manalo si Maris Racal dahil mas deserving daw ito sa title, mas totoo raw ang pagkatao nito. Pwede rin daw si Jane Onieza pero parang may itinatago raw ito.
- Latest