Pacman mas tinilian kesa sa mga international stars nang tumulong sa mga binagyo
MANILA, Philippines - Tanging ang King of Sweden lamang ang nakasama ni Tacloban City Mayor Alfred Romualdez sa mga international celebrities at state heads ng mga bansang bumisita matapos salantahin ng bagyong Yolanda last year ang nasasakupan niyang probinsiya.
Wala si Mayor Alfred nang dumating sa Tacloban ang international celebrities gaya nina David Beckham at Justin Bieber. Abala siya sa kanyang office nang dumating ang football player habang nasa Senate hearing siya nu’ng dumating si Bieber.
“’Yung kay Beckham, lahat ng babae sa opisina ni Mayor iniwan siya para puntahan si Beckham at tingnan. Actually, it was very hush-hush. Tahimik. Doon siya sa isang tent na child-friendly area. It was a Valentine’s day at gumagawa siya ng Valentine card para sa mga bata. He put them in his lap and gave them the card he personally made for them.
“Napaka-sweet niya pagdating sa mga bata. Makikita mo ‘yung sincerity niya. ‘Yung mga ibang tao roon, hindi naman daw siya kilala. Nagulat nga ako. But of course, they know Manny Pacquiao na dumating din,” pahayag ni Konsehala Cristina sa get together-dinner na ibingay nilang mag-asawa sa entertainment press last Thursday sa Patio Victoria sa Intramuros.
Hindi nga lang niya nakita si Justin dahil madalian din ang pagpunta at pag-alis.
“Sabi ng anak ko, ‘Mommy, why didn’t you tell me that Justin is coming?’ I didn’t know myself,” saad pa ng actress-turned-politician.
Kumusta naman ang local celebrities na bumisita at nag-show roon?
“Even some people that were not that well known, but went there because they want to help, they were treated like celebrities.
“Like for example, Mike Velarde was treated like a celebrity there. The Iglesia ni Cristo, treated like a celebrity there.
“But of course, our very own Manny Pacquiao, talagang pinagkaguluhan ‘yan! More than other international stars,” sey naman ni Mayor Alfred.
Hindi nga lang sinabi ng mayor ang halaga ng donasyon nina Beckham at Bieber. Pumunta sila roon bilang ambassadors ng UNICEF. Pumunta lang sila roon upang magpasaya at lumilikom ng donasyon upang ibigay sa agency para makatulong.
Sa ngayon, bukod sa patuloy na pagsasaayos ng bahay at ikabubuhay ng mga mamamayan ng Tacloban, ang pagdating sa January ng Santo Papa sa Tacloban ang pinaghahandaang mabuti ng mag-asawang Alfred at Cristina.
Team NIñO magpapasalamat sa Tondo
Guguluhin ng cast ng GMA series na Niño ang Sto. Niño Parish Church sa Tondo ngayong araw na ito, Sabado, dahil maghu-hold doon ng thanksgiving mas ang cast at production team ng programa.
Inaasahan ang pagdalo ng main cast lead by Miguel Tanfelix, Bianca Umali, Angelu de Leon, Neil Ryan Sese, Katrina Halili, Gloria Romero, Dante Rivero, Jay Manalo, at iba pang artista.
Gaganapin ang misa sa ganap na alas-singko ng hapon at ang kuwelang si Fr. Eric Santos ang officiating priest. Isa rin siya sa kaibigang pari ni AiAi delas Alas na katatapos din lang mag-birthday.
Ang misa ay pasasalamat ng Niño team sa positive feedback ng viewers sa show.
- Latest