Nora pinaiyak ng mga guro at estudyante
Masayang-masaya ang Superstar Nora Aunor nang bigyan siya ng parangal ng mga Quezon City teachers and students ng Tunay na Alagad ng Sining Award dahil sa kanyang achievements and contributions sa pag-unlad ng Filipino language.
Ginanap ito last August 19 sa Ramon Magsaysay High School in Cubao, Quezon City. Galing sa Quezon City Public School Teachers Association ang naturang pangaral kaugnay ng Araw ng Wika.
Naiyak si La Aunor dahil nagbigay pa ng special performance ang mga students ng Lagro High School kunsaan mga selected scenes mula sa kanyang mga kilalang pelikula ang kanilang ginawa.
Isa-isang lumapit ang mga ito kay Ate Guy para bigyan siya ng rosas at halikan.
“Pinaiyak n’yo ako, at ngayon lang ako nakatangap ng ganitong pagtanggap. Hindi ko ito makakalimutan. Salamat po,” sey pa ni Ate Guy.
Bukod sa pakikipaglitrato at pagpirma ng autograph, itinaas din ni Ate Guy ang isang placard na nagsasabing itaas ang sahod ng mga teachers.
TV5 susugal sa mga ‘tindera’
Muling sumusugal ang TV5 sa paggawa ng mga hindi pangkaraniwang mga TV shows at isa nga sa bago nilang handog ay ang musical-drama na Trenderas.
Mga bida rito sina Isabelle de Leon, Katrina Velarde, at Lara Maigue.
Nakilala bilang child actress noon si Isabelle bilang Isabela de Leon sa pelikulang Ano Bang Meron Ka? at Magnifico. Nakilala nga siya bilang anak ni Vic Sotto na si Duday sa sitcom na Daddy Di-Do-Du.
Ngayon ay 19-years old na si Isabelle at ang laki ng kanyang ginanda. Puwede na siyang ipantapat sa mga sumisikat na mga teen stars ngayon.
Si Katrina Velarde naman ay produkto ng Talentadong Pinoy at X-Factor Philippines. Nakilala nga siya bilang “Suklay Diva” dahil sa kanyang YouTube video.
Napasama rin si Katrina sa grupong New Born Divas at isa siya sa naging guest ni Gary Valenciano sa concert nitong Arise.
Si Lara Maigue naman ay isa sa naging finalists ng PhilPop Music Festival last year. Galing siya sa pamilya ng mga singers at ngayon ay mina-manage na siya ni Ogie Alcasid.
May music, drama, comedy at iba’t iba pang mga eksenang pangpamilya meron ang Trenderas na kuwento ng tatlong magkaibigan na mga tindera lang sa bangketa at natupad ang kanilang mga pangarap na maging professional singers.
Kasama rin sa Trenderas sina Dingdong Avanzado, Tina Paner, K Brosas, Carl Guevara, Edward Mendez, Cacai Bautista, Kit-Kat, at Ara Mina.
J.Lo hindi nakipagbalikan sa ex-dyowang ‘bading’
Balita ngang nagkabalikan na muli ang dating magkarelasyon na sina Jennifer Lopez at Casper Smart.
Nakita raw ang dalawa sa L.A. na sakay ng isang white convertible.
Noong makita ng mga paparazzi si J.Lo na sakay sa kotse ni Casper, nagtago raw ito.
Pero ayon sa E! News, magkaibigan lang daw ang dalawa.
“They are still friends. They are not back together.
“There’s nothing romantic going on between the two of them. Casper has an enormous amount of respect for Jennifer and her kids. He still loves her and cares about the kids.
“Nothing has really changed since they split regarding their relationship and nothing romantic is going on.”
Ang nababalita ngang dine-date ngayon ni J.Lo ay ang dancer na si Maksim Chmerkovskiy. Ito nga ang naging special guest ni Jennifer sa kanyang naganap na 45th birthday kamakailan.
“They seemed really happy to see each other. There has been a date here and there, but really they are good friends before anything else.
“Maks asks her for advice and she thinks he is super-talented and very hot. Obviously, that is hard to ignore.
“She thinks he is great, but she is being very careful,” ayon pa sa E! News.
- Latest