Sharon nagpapa-excite lang ng fans?!
May panibagong open letter si Sharon Cuneta para sa kanyang mga tagahanga na ipinost niya sa kanyang Facebook page last Wednesday night.
Klinaro niya na tapos na ang mid-life crisis niya noon pa at walang dapat ipag-alala ang kanyang fans and supporters.
“Thank you from the bottom of my heart for your encouraging and loving comments on my long open letter the other day. Please do not worry -- from your comments I gathered that some of you think that I am still going through my mid-life crisis! If your re-read my post, that happened when I turned forty, and it lasted until I was about 42. I have been done with my “mid-life” crisis for many years now, so please do not worry any longer! But thank you so much for your concern,” ang post ni Sharon.
Say pa niya, mas naging matatag nga raw siya after the mid-life crisis.
“Besides my size, I have long been back to being “me,” maybe a different me, but a stronger, kinder, more considerate and more appreciative, maybe even a little wiser me than before,” parte pa ng post ni Megastar.
Aminado siyang hindi rin niya gusto na mataba siya dahil nga sa artista siya bukod pa sa nagkaroon siya ng health issues na ayaw na raw niyang maulit muli kaya gusto raw niyang bumalik ang dating size niya na marahil, ‘yung weight niya noong hindi pa siya tumataba ang ibig niyang sabihin.
Nais din daw niyang ipaalam sa kanyang mga supporters na may mga sorpresa siya at sa pagkakaintindi namin, mga bagong proyekto ang ibig niyang sabihin.
“In fact, some may be coming up much sooner than you think. Very, very soon... I will be keeping you posted, of course -- but by dropping some clues here every now and then!”
Girlfriend ‘di selosa?
Pakikipagtikiman ni Matteo kay Isabelle wa epek kay Sarah
Magkabarkada pala sina Isabelle Daza and Matteo Guidicelli kaya wala raw ilangang naganap sa kissing scene nila sa pelikulang Somebody to Love ng Regal Entertainment.
“Matteo and Iza (Calzado) have actually been my friends for quite a time. Lalo na si Matteo, even before we both joined showbiz pa. . We have the same circle of friends
Sa pelikulang Somebody to Love, “friends with benefits” daw ang relasyon nila ni Matteo.
When asked kung may double date na bang naganap sa kanilang apat nina Matteo and girlfriend Sarah Geronimo at boyfriend naman niyang si Adrien Semblat, aniya ay wala pa raw dahil hindi magtagpo-tagpo ang schedule nila.
Nakatrabaho na rin kasi ni Sarah si Isabelle sa It Takes a Man and Woman.
Napansin lang ng entertainment press, ginamit ding linya ni Isabelle ang “there was never an us” sa Somebody to Love na naging linya rin ni Sarah sa movie with Coco Martin.
Pero say ni Isabelle, hindi raw niya alam dahil hindi raw niya napanood ang Maybe This Time.
Samantala, mariin ding sinabi ni Matteo na hindi nagselos si Sarah sa kissing scene nila ni Isabelle. Naiintindihan daw ‘yun ng kanyang girlfriend.
Si Isabelle naman ay wala pa ring planong magpakasal sa kanyang boyfriend.
Nagsimula nang ipalabas ang Somebody to Love last Wednesday, Aug. 20 sa mga sinehan. It also stars Carla Abella and Jason Abalos.
- Latest