Vilma excited nang magninang sa kasal nina Marian
MANILA, Philippines - Binati na ni Governor Vilma Santos-Recto ang future inaanak sa kasal na si Marian Rivera. Bago pa man ang opisyal na announcement ng kasal kay Dingdong Dantes, naging vocal na ang Star For All Seasons na magiging ninang siya sa anak-anakan.
Mula kasi nang magsama ang dalawa sa indie movie ni Ate Vi na Extra, nabuo na rin ang palagayan nila ng loob at tuwing may okasyon sa Batangas at libre si Yan Yan, lagi siyang present lalo na last year sa singing contest na Voices, Songs, and Rhythms.
Ninang na nga ang tawag ni Marian kay Governor at maseselyuhan na talaga ang pagiging inaanak niya sa December 30 wedding nila ni Dong sa Immaculate Concepcion Cathedral. Naku, hindi lang ang Dong-Yan fanatics ang dadagsa sa kasal kundi maging ang Vilmanians, huh!
Bukod sa hinahandaang pagnininang, dapat sana ay gusto ring dumalo ni Gov. Vi sa birthday ni Mother Lily sa Martes dahil hindi lang producer ang turing niya sa Regal matriarch kundi isang matalik na kaibigan.
Eh sa Martes, may schedule ang gobernadora ng Batangas sa Villa Escudero para sa project na Lakbay-Aral ng tauhan sa kapitolyo at pagkatapos, diretso siya sa Lucena upang maging guest speaker kaugnay ng Manuel L. Quezon day. Ayon naman daw kay Mother, naiintindihan niya ang hindi niya (Gov. Vi) pagdating.
“Basta ang importante, mahal ko siya!” saad sa text sa amin ni Gov. Vi.
It’s back to work kay Gov. Vilma matapos mawala sa buhay niya ang isa sa pinakaimportanteng tao na si Ate Aida Fandialan.
Nagka-award lang Character actor nalunod agad sa kalahating baso ng tubig
Nakaramdam na ng paglaki ng ulo ang manager ng isang character actor matapos lang mabigyan ng award, huh! Aba, may demands na career plans ang supporting actor eh hindi naman bibidahin ang hitsura, huh!
Iginapang ng manager ang supporting actor at ipinagtutulakan sa mga tinutulungang indie producers na isama sa project ang alaga. Ang manager na producer din ang tumutulong sa mga inde producers na ibenta sa iba’t ibang International film festivals ang mga produkto.
That time na kahit one day lang ang shooting ng character actor, wala siyang reklamo. May exposure na kasi siya, meron naman siyang bayad na tinatanggap kahit hindi kalakihan. Pero kung marami naman ang projects na ginagawa niya, nakakatulong naman sa pangkabuhayan showcase niya.
Pero nagbago na ang ugali ng character actor dahil sa tropeyong nakuha. Eh, kung hindi raw maayos ang career plan ng manager, aba, lilipat na siya sa ibang manager, huh! Eh, itong manager na gusto niyang lipatan, notorious sa panunulot na ibang talents, huh!
Ang isa pang kinaloloka ng manager sa alaga, namimili na ng role. Gusto siyang kunin maging guest sa isang sitcom. Tumanggi siya dahil may tao raw na ayaw niyang makasama na semi-regular sa show, huh! Hindi kasi batid ng character actor na malaki ang exposure na makukuha niya kung sakaling tinanggap niya ang guesting.
Hay naku, another case of hindi pa nga nauubos ang tubig sa baso, aba, nalunod na agad sa konting parangal ang character actor na ito, huh!
- Latest