^

Pang Movies

Female celeb banned na sa spa, ilang gamit kinulimbat

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Banned nga raw sa isang kilalang spa resort ang isang female celebrity dahil pinaghihinalaan nila itong nagnakaw ng ilang gamit.

Walang CCTV camera sa loob ng mga spa suites dahil nirerespeto nila ang privacy ng kanilang mga celebrity guests. Pero dahil first time nga raw na may mga mawalang gamit at ‘yung female celebrity ang huling gumamit ng naturang suite, sobrang nadismaya sila.

Ayon pa sa manager ng spa resort, ilang celebrities na raw ang naging bisita nila at wala naman daw nawawalang mga kagamitan nila. Ito lang daw ang unang pagkakataon na nangyari ito kaya pinagdududahan nila ang female celebrity na ito.

Napag-alaman nila na may record na pala ang female celebrity na ito na may pagka-kleptomaniac. Noong kasikatan nga raw nito, kapag nagkakaroon ito ng photo shoot sa mga studio or magagandang venue, meron daw parating nawawalang gamit.

Hindi na lang daw nila sinita ang female celebrity at siningil na lang nila ng mataas sa services bilang kapalit ng mga nawalang gamit sa spa suite. Hindi naman daw umangal ang female celebrity sa ibinayad niya.

‘Yun nga lang, banned na siyang bumalik dahil ayaw na raw nilang makapagnakaw pa ito muli sa kanila.

Isabelle naiinggit sa boyfriend

Nag-trending nga sa Twitter noong ipakilala sa Eat Bulaga! at umupong judge para sa Super Sireyna Worldwide last July ang French boyfriend ni Isabelle Daza na si Adrien Semblat.

Isang brand executive at member ng United Football League si Adrien at karelasyon niya si Isabelle since 2010.

Kuwento nga ni Isabelle na may blessing niya ang pagiging judge ni Adrien noon sa Super Sireyna Worldwide.

“Actually, ginulat ko lang siya five minutes before the contest started.

“Nagpasama ako sa kanya sa Eat Bulaga at wala siyang alam na he will sit as one of the judges. Noong sinabi ko na sa kanya, nagulat din siya. He has no choice naman at hindi na siya maka-backout.

“Then I told him that he will be seen nationwide so he has to look good. But I also want him to be himself. Kung paano siya magsalita at kumilos, iyon ang ipakita niya.”

Positive ang mga nakuhang comments ng boyfriend ni Isabelle mula sa social media.

“I was so happy that he was comfortable doing it and a lot have gone to social media para sabihin that Adrien did very well.

“What’s more surprising is nag-trending si Adrien sa Twitter kasabay ng Super Sireyna Worldwide. People tweeted so many positive things about him—that he’s guwapo, he made good of somebody’s day, na bagay naman daw pala kami.

“Nakakainggit nga kasi si Adrien nag-trending na, ako nga never pang nangyari sa akin iyon,” sabay tawa pa ni Isabelle.

Malayo pa nga raw sa isipan nila ni Adrien ang pagpapakasal. Ayon kay Isabelle, wala pa raw sila sa level na iyon.

“Right now, we are enjoying this relationship.  Hindi naman pagpapakasal ang iisipin ninyo agad, ‘di ba?

“Marriage kasi is something that you both have to prepare for. If you think that you’re ready for that life na kayong dalawa na lang, then you go for it. Sa amin naman ni Adrien, we’re taking it step-by-step,” pagtatapos pa ni Isabelle na isa sa bida ng pelikulang Somebody To Love ng Regal Entertainment.

Goddess of American fashion daw, mga sikat na fashion designers inalala si Lauren Bacall

Nag-pay tribute naman ang mga sikat na fashion designers sa buong mundo sa pagpanaw ng Hollywood screen goddess na si Lauren Bacall.

Hindi nga lang nakilala si Lauren bilang isang artista kundi malaki ang naging influence niya sa fashion since nagsimula siya bilang isang model bago niya pinasok ang pag-aartista du­ring the ‘40s.

Sa latest edition nga ng Women’s Wear Daily, naglabas ito ng special issue para maalala ang na­ging impact ng yumaong screen goddess sa American fashion.

Kabilang nga sa mga sikat na designers na nag-pay tribute ay sina Diane Von Furstenberg, Isaac Mizrahi, and Donna Karan.

 

vuukle comment

ADRIEN

ADRIEN SEMBLAT

EAT BULAGA

ISABELLE

LAUREN BACALL

NILA

SUPER SIREYNA WORLDWIDE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with