Rita dinugo sa mga pangbabastos ni John Regala
Naghain ng reklamo ang aktres na si Rita Avila laban sa aktor na si John Regala dahil sa ginawang pambabastos sa kanya.
Nagpadala diumano ng complaint letter si Rita sa pamunuan ng GMA 7 para sabihin ang ginawang pambabastos sa kanya ni John sa set ng public affairs program na Wish Ko Lang noong nakaraang July 31.
Ayon nga sa complaint letter ni Rita, sobrang late si John sa taping nila ng Wish Ko Lang. Apat na oras na raw itong late pero noong makarating na raw ito, hiniritan daw niya agad nang hindi maganda si Rita.
Kuwento ni Rita: “Upon seeing me, he told everyone, ‘Dapat naging girlfriend ko itong si Rita eh, kaso bakla kasi.’ “I dismissed it as a joke. Later he said, ‘Ang ganda mo pa rin. Kung niligawan ba kita noon, sasagutin mo ako?’”
“I replied with, ‘Ano ka ba?’ Then he said, ‘Puro ka kasi Jestoni (Alarcon).’ I didn’t say anything anymore. I was just thinking where in the hell did he get that idea.
“And as an afterthought, I realized that he was giving wrong impressions to those who were around us.”
Dahil professional si Rita, hindi na lang siya nagpaapekto sa mga sinabi na iyon ni John. Pero hindi pa raw natapos si John doon at nagpatuloy pa rin ang pambabastos nito sa kanya.
“While we were sitting together after listening to some instructions from Direk Adolf (Alix), he said, ‘Naghahanap ako ng gamot ko, lagi kasing matigas ang ano ko.’
“I was getting offended because of the sexual intonations, so I began asking about his wife and family to divert his filthy topic.
“He again asked, ‘Rita, iiwan ko asawa ko para sa iyo. Liligawan kita. Sasagutin mo ako?’ I replied with ‘Yuck!’ Some of the staff laughed when they heard me.
“Then, he asked, ‘Sino kasama mo sa bahay n’yo? I said, ‘Eh di siyempre ang asawa ko!’ He said, ‘Eh baka lang kasi may anak na kayo. Nagkaanak ka ba ulit? Kasi alam mo yung kaibigan ko nagpa...(can’t remember how)’
“I turned my back and walked away because he was so disrespectful to talk about that in front of many people.”
Sobrang na-stress daw si Rita sa ilan pang pambabastos na ginawa ni John sa araw na iyon kaya tumaas daw ang blood pressure niya at naisugod pa siya sa ospital. Dinugo pa nga raw si Rita dahil sa sobrang stress niya.
Kaya nag-file ng complaint si Rita sa GMA-7 para i-report ang ginawang ito ni John sa kanya at para hindi ito mangyari sa ibang makakatrabaho nitong artista.
Binanggit pa ni Rita na never na raw siyang makikipagtrabaho kay John after sa ginawa nitong pambabastos sa kanya.
Apo ni Audrey Hepburn unti-unti nang nakikilala
Unti-unti nang nagkakapangalan sa larangan ng fashion ang apo ng Hollywood icon na si Audrey Hepburn.
Nasa cover ng September issue ng Harper’s Bazaar si Emma Ferrer, apo ni Audrey mula sa kanyang anak na si Sean Ferrer mula sa aktor na si Mel Ferrer.
First photo shoot ito ng 20-year old granddaughter ni Hepburn at ang naging photographer nga ni Emma na si Michael Avedon ay ang apo naman ng paboritong photographer ni Audrey noon na si Richard Avedon.
Namana ni Emma ang physical features ng kanyang Lola Audrey tulad ng dark hair, flawless complexion at high cheekbones. Na-capture nga ni Michael Avedon ang Old Hollywood look ni Audrey para kay Emma.
Dinamitan si Emma ng mga latest fall fashion ng designers na sina Carolina Herrera, Lanvin, Ralph Lauren, Max Mara, and Tod’s.
Sa kanyang interview, nagkuwento si Emma tungkol sa kanyang pamosong lola kahit na hindi niya ito naabutang buhay pa.
Sumakabilang-buhay si Audrey Hepburn noong 1993 at pinanganak si Emma noong 1994.
“I remember seeing a photo of her jumping on a trampoline—I believe this was before I understood that she was famous.
“But I remember thinking that she looked like a friend I wish I could have had. As a child I couldn’t really relate to Audrey Hepburn, the actress. To me, she was family.
“When I watched Breakfast at Tiffany’s, I enjoyed it the same way any young girl would. I’ve seen My Fair Lady and Roman Holiday, but I suppose my favorite is Funny Face.”
Pinagmamalaki ni Emma ang mga vintage stuff na namana niya mula sa kanyang lola.
“All I can think of are her cashmere turtlenecks, which I adore and wear all throughout the winter. And a white antique stuffed teddy bear.”
- Latest