‘Di na nakatiis, female celeb kinompronta ang aktor na ubod ng baho ang hininga
Hindi nga raw nakatiis ang isang female celebrity na sabihan ang kanyang co-star na male celebrity sa isang teleserye na magmumog naman daw ito dahil may hindi magandang amoy sa hininga niya.
Kahit na alam ni female celebrity na makaka-offend siya, hindi na raw niya matiis ang amoy na laging lumalabas sa bibig ng male celebrity.
Marami kasi silang eksena ni male celebrity na malapitan. At noong minsan daw na may eksenang binubulungan siya sa tenga, dun daw ay halos masuka siya sa hindi kaaya-ayang amoy na nagmumula sa bibig ng male celebrity.
Ginawa naman daw ng female celebrity ang ilang paraan para hindi na niya kailangan ma-mention na mabaho ang bibig ni male celebrity. Nandyan ang alukin niya ito ng mga mint candies, chocolates, at chewing gum para lang mawala ang ‘di kanais-nais na amoy.
Kaso, laging tumatanggi ang male celebrity sa mga alok niyang candies.
Mahilig pa naman daw kumain ang male celebrity ng mga sitsiryang maaanghang tulad ng Boy Bawang at ilang chips na spicy ang flavor.
Sana raw ay nakikita niyang nagtu-toothbrush ito or nagmumumog para mawala ang amoy. Kaso iinom lang daw ito ng tubig at yun na ‘yon.
Kaya noong gawin nila ang isang eksena na malapitan ulit ang usapan nila, halos maluha-luha si female celebrity sa naghalong anghang at baho ng bibig ni male celebrity.
After ng take ay kinausap na niya ito na huwag magalit pero kailangan niyang mag-toothbrush at mag-gargle dahil amoy na amoy daw ang kinain nitong sitsirya.
Halatang napahiya ang male celebrity at umalis na lang at nagtago sa kanyang dressing room.
Sana naman daw ay na-get na ni male celebrity ang nais niyang iparating. Magaling naman daw na artista si male celebrity kaso ang baho talaga ng bibig nito.
Julian hindi marunong makalimot
May concern pa rin ang Kapuso teen actor na si Julian Trono sa kanyang dating manager na si Joy Cancio at isa siya sa nag-alala noong mabalitaan niyang naospital ito noon.
Agad nga raw tinawagan ni Julian ang mga anak ni Joy para alamin ang nangyari rito. Sabi naman daw sa kanya ay nasa maayos na kondisyon na ang dating manager.
“Hindi na kasi iba si Tita Joy sa akin. Siya ang unang manager ko at kung hindi dahil sa kanya, hindi ako magiging artista.
“Sinabi rin sa akin ni Ate Rochelle (Pangilinan) na okey naman daw si Tita Joy. Kailangan lang daw nitong magpahinga at magbakasyon.
“From time-to-time naman kinukumusta ko si Tita Joy sa mga anak niya. Kahit naman hindi ko siya manager, parang pangalawang nanay ko na si Tita Joy. At gusto kong nasa magandang kalagayan siya.”
Kasalukuyang busy si Julian sa teleserye na Niño kung saan ka-love triangle siya sa tambalan nila Miguel Tanfelix at Bianca Umali.
Robin Williams severe depression
ang naranasan kaya kinitil ang buhay
Malungkot ang buong Hollywood dahil sa pagpanaw ng award-winning screen, TV and stage comedian na si Robin Williams noong nakaraang August 11.
Natagpuan ang comedian na wala ng buhay sa kanyang tahanan sa Tiburon, California. Ang apparent cause of death raw ng komedyante ay suicide by asphyxiation. He was 63 years old.
Ayon sa rep ng aktor, dumaraan daw sa “severe depression” si Robin nitong mga nakaraang araw. Huling nakitang buhay ang aktor noong nakaraang Sunday at 10:00 p.m.
Pinanganak noong July 21, 1951 sa Chicago si Robin McLurin Williams. Comedian-at-heart si Robin at naging performer siya sa ilang stand-up comedy bars. After niyang maging guest sa The Richard Pryor Show, kinuha siya para sa isang guest role sa hit series na Happy Days in 1978. Ang kanyang role ay isang alien named Mork from Ork.
Dahil sa agaw-eksenang performance ni Robin sa show, naisip ng producer na si Garry Marshall na gawan ng spin-off ang character na Mork at nabuo nga ang hit series na Mork & Mindy kung saan nagbida si Robin opposite Pam Dawber. Nagtagal ang show mula 1978 to 1982.
Dahil sa pagiging mahusay na aktor, he was awarded an Oscar Best Supporting Actor in 1997 for his dramatic role in the film Good Will Hunting.
Naging comedic icon si Robin dahil sa mga unforgettable characters niya sa mga pelikulang Mrs. Doubtfire, The Birdcage, Hook, Aladdin, Happy Feet, Bicentennial Man, Jack, Jumanji, and Flubber. Ipinakita rin niya ang kanyang serious side sa mga dramatic films na Awakenings, One Hour Photo, Insomnia, and Patch Adams.
Sa TV ay nagkaroon ng series si Robin na The Crazy Ones pero na-cancel ito after its second season.
Huling pelikula ni Robin ay ang Night at the Museum: Secret of the Tomb na sa December pa ipalalabas.
Tatlong beses ngang kinasal si Robin. Una ay sa first wife niyang si Valerie Velardi in 1978. Pangalawa ay sa isang Filipino-American na si Marsha Garces na nanny ng kanyang anak. They married in 1989. Third wife ang kasalukuyang kinakasama niyang si Susan Schneider na pinakasalan niya in 2011.
Nagpaabot nga ng kanyang mensahe si Susan sa mga kaibigan at fans ni Robin na nakiramay sa kanilang pamilya.
“I lost my husband and my best friend, while the world lost one of its most beloved artists and beautiful human beings, I am utterly heartbroken.
“As he is remembered, it is our hope the focus will not be on Robin’s death, but on the countless moments of joy and laughter he gave to millions.”
- Latest