^

Pang Movies

Ate Vi tuloy ang pagnininang

FREELANCER - Emy Abuan Bautista - Pang-masa

Matapos ang marriage proposal ni Dingdong Dantes sa birthday show ni Marian Rivera na Marian ay may nabuong palaisipan sa amin na baka sa December sila magpakasal. Nang maging guest si Gov. Vilma Santos sa Marian noon ay nagbiruan nga ang aktres at ang Star of All Seasons na kukunin siya nitong isa sa mga ninang.

Mommy D. ipinaglalaban ang kanyang ‘honey’

Hindi boto si Manny Pacquiao at mga kapatid nitong lalaki sa nobyo ngayon ni Mommy Dionisia na si Michael. Siguro dahil sa malayong agwat ng edad ay iba ang naiisip ng mga ito na sakaling magkatuluyan ay baka iwan ni lalaki ang kanilang ina.

Pero handang ipaglaban ng ina ni Manny ang kanyang ‘honey’ at hindi apektado sa mga sinasabi ng anak o ng mga tao. ‘Di ba’t sinasabi ni Mommy D. na magtatrabaho sa ibang bansa si Michael para maiwasan ang sasabihin ng mga tao na pera lang ang habol nito sa kanya?

Ang mahalaga, umiibig ngayon si Mommy D. at walang pakialam sa sasabihin ng mga tao. 

Celebrity Hour dagsa ang mga bisita

Puno ng mga bisita ang Celebrity Hour tuwing Sabado sa ganap na ika-9 hanggang 12 ng umaga na isang forum ng  showbiz personalities at mga guest mula sa iba’t ibang sector ng lipunan kung saan mahahalagang paksa ang tinatalakay. Naging guests sina dating Sen. Eddie Ilarde, Ferdie Pasion na isang political analyst, Professor at Architect Aristeo ‘‘Ayett’’ Garcia gayundin si Capt. Rolando Durana. Tinalakay ang mga paksang pag-alis ng subject na Pilipino sa college dahil buwan ngayon ng wika, problemang kinakaharap ng Philippine Marines at iba pa. Hosted by Emy Abuan with Elloy Padua at Juvy de Guzman ang Celebrity Hour at prodyus ni Danny Atienza sa direksyon ni Nards Belens. Napapanood ito sa GNN (Channel 8 sa Destiny Cable) at 11 p.m. every Sat.

 

vuukle comment

ARCHITECT ARISTEO

CELEBRITY HOUR

DANNY ATIENZA

DESTINY CABLE

DINGDONG DANTES

EDDIE ILARDE

ELLOY PADUA

MOMMY D

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with