Cedric Lee at Zimmer Raz naka-ternong T-shirt na naman nang ilipat sa Taguig
Bumiyahe na kahapon sa Taguig City Jail ang mga pangunahin na suspect sa serious illegal detention kay Vhong Navarro, ang best of friends na sina Cedric Lee at Zimmer Raz.
Susunod kina Cedric at Zimmer sa Taguig City Jail si Deniece Cornejo dahil ibinasura ng korte ang petisyon ng dalaga na manatili siya sa detention facility ng Camp Crame.
Ikinatuwa ng kampo ni Vhong ang paglilipat kahapon kina Cedric at Zimmer sa regular jail.
Terno uli ang kulay ng mga T-shirt na suot kahapon nina Cedric at Zimmer nang dalhin sila sa Taguig City Jail kaya nabuhay uli ang tawag sa kanila na B1 at B2.
Matatandaan na terno ang mga T-shirt ng dalawa nang mahuli sila sa Samar noong April 2014. Bakit na nga ba feel na feel nina Cedric at Zimmer na magsuot ng magkapareho na t-shirt sa tuwing humaharap sila sa mga miyembro ng media?
Pinairal ang SOP sa paglilipat kina Cedric at Zimmer sa Taguig City Jail.
May-I-stay muna sila sa isolation room sa loob ng isang linggo bago ilipat sa regular jail.
Nang dumating kahapon sa Taguig City Jail sina Cedric at Zimmer, muli silang kinunan ng mugshot at finger prints. Sumailalim din ang dalawa sa medical check-up.
Malabo na magkita-kita sa Taguig City Jail sina Deniece, Cedric, at Zimmer dahil magkahiwalay ang kulungan ng boys and girls. Mas malaki ang posibilidad na makita at makasama ni Deniece sina Atty. Gigi Reyes at Janet Napoles.
Ogie favorite ang King & Queen
Favorite song ni Ogie Alcasid ang King & Queen of Hearts, ang 80’s hit song ni David Pomeranz.
Ang King & Queen of Hearts ang isa sa mga kakantahin ni Ogie sa kanyang Throwback Thursday concert sa Music Museum sa August 28.
High school student si Ogie nang sumikat ang kanta ni David. Ni sa panaginip, hindi inisip ni Ogie na darating ang araw na magiging singer din siya at makikilala niya nang personal si David.
Nali-Link kay Cesar bagets looking, wala sa hitsurang 30 na
Thirty-years old na pala si Sandra Seifert, ang former beauty queen na nali-link ngayon kay Cesar Montano.
In fairness, bagets-looking si Sandra dahil wala sa itsura niya na 30-years old na siya. Pareho sila ni Cris Villonco, ang apo ni Armida Siguion-Reyna na 30-years old na rin pero bagets pa rin ang aura.
Sen. JV hindi pa rin nagpaparamdam kay Jinggoy
Si Cris Villonco ang nagkuwento na regular na dumadalaw sa kanyang lolo Juan Ponce Enrile ang pamilya niya.
Naka-hospital arrest si Senator Enrile sa PNP General Hospital sa Camp Crame at tulad nina Senator Bong Revilla at Senator Jinggoy Estrada, hindi siya nawawalan ng mga bisita.
Naalaala ko tuloy ang pagdalaw noon kay Enrile ni Senator JV Ejercito.
May pralala si Papa JV na dadalawin din niya ang kanyang half-brother na si Papa Jinggoy pero hanggang ngayon, hindi pa rin siya bumibisita. I should know dahil ilang beses na akong dumadalaw kay Papa Jinggoy at wala itong nababanggit tungkol sa pagbisita ng kanyang kapatid.
O baka naman nagdadalawang-isip si Papa JV na pumunta sa PNP Custodial Center dahil sa kanyang kutob na baka hindi siya welcome. Hindi naman puwede na si Bong lang ang kanyang dadalawin dahil magkatabi lamang ang ‘dorm’ ng dalawang senador. Dorm daw o!
- Latest