^

Pang Movies

Stalker ni Jasmine nasukol na

Pang-masa

MANILA, Philippines - Malalaman na ang katauhan sa likod ni Maskara ngayong Linggo sa finale ng love mystery drama series ng TV5 na JASMINE.

Matapos ang karumal-dumal na pagpatay at pananakit sa mga inosenteng mahal sa buhay ni Jasmine, lalo na ang panlilinlang na humantong sa pagkakabaril at pagkamatay ng personal assistant ni Jasmine na si Carly (Justine Pena), madidiskubre ng dating pulis na si Julius Jacinto (Robin Padilla) at ni Jasmine ang kwento ni Maskara. Siya pala ay si Paolo Marasigan, anak sa pagka-dalaga ng isang beauty queen/rising star na nawalan ng career. Noong bata pa ito, siya ang sinisisi ng kanyang ina sa mga naging kamalasan nito sa buhay na humahantong sa pang-aabuso sa bata. Lumaki si Paolo at nagpalit ng pagkatao sa parehong taon na nagsimula si Jasmine ng kanyang karera sa TV5. 

Samantala, kahit binarikadahan ng mga pulisya ang TV5 Media Center sa Reliance upang mahuli ang stalker ni Jasmine ay mailap pa rin ito sa mga pwersa ng batas kaya naman mas tumitindi ang mga ebidensyang malapit si Maskara kay Jasmine.  

Maging ang TV5 Princess na si Jasmine Curtis Smith na bida sa JASMINE ay nagulat ng malaman kung sino si Maskara. “Hindi ako talaga makapaniwala kung paanong naloko niya lahat sila”. Nang matanong sa kanyang mga paunang hula kung sino ang stalker, sagot ni Jasmine “Pwede kasing si Miguel (Gerard Sison) dahil sobra siyang obsessed sa kanya.” Pero matapos ang attempted rape at ang pagpapakamatay ng binata, maging siya ay nalito kung sino ba talaga ang stalker.

Siya kaya si Alexis Vergara (Vin Abrenica), on-screen partner ni Jasmine na umaming may matinding nararamdaman para sa dalaga? O siya kaya ang blogger-turned-Showbiz Police host na si Wendell Bautista (Alwyn Uytingco) na kadalasan ay mala-stalker ang pagkuha ng mga latest tsismis tungkol sa mga artista?

Makakatakas kaya si Jasmine sa kasamaan ni Maskara? O tuluyan na siyang papahirapan ng kanyang stalker? Sino ang mananaig sa dalawa?

Tutukan ang kapanapanabik na pagtatapos ng JASMINE sa Linggo, 5 p.m. (at replay pagsapit ng 10 p.m.) sa TV5!

Nancy uuriratin ni Jessica

Binatikos online ang suot ni Senator Nancy Binay sa Senado noong araw ng SONA ng Pangulong Noynoy Aquino.  Nanganak din ito ng memes. Patunay ito na ang mga public figures at celebrities ngayon ay wala nang kawala sa kritisismo at maging pang-aalaska sa social media.  Ngayong Linggo, samahan ang Kapuso Mo, Jessica Soho na alamin ang instant reaction ng mga sikat kapag nakababasa sila ng mga tweets at komento tungkol sa kanila.

Tampok din sa KMJS ang 11 feet na sawa na nakita sa Tondo sa Maynila at ang 16.3 feet na buwaya na nadiskubre sa silong ng isang bahay sa Rio Tuba sa Palawan!  Alamin kung ano ang mga posibleng dahilan kung bakit naglabasan ang mga ito sa kanilang lungga.

Bibida rin ang mga special recipe na tulad ng Biringhe Stuffed Boneless Crispy Pata ni Chef Jam Melchor, Adobo sa Buko ni Chef Giney Villar, at ang panghimagas na Sikreto ni Maria ng Pampanga.

Huwag palagpasin ang mga makukulay na kuwentong ito kasama ang multi-awarded broadcast journalist na si Jessica Soho sa Kapuso Mo, Jessica Soho ngayong Linggo ng gabi, pagkatapos ng GMA Blockbusters sa GMA 7.

vuukle comment

ALEXIS VERGARA

ALWYN UYTINGCO

BIRINGHE STUFFED BONELESS CRISPY PATA

CHEF GINEY VILLAR

JASMINE

JESSICA SOHO

KAPUSO MO

LINGGO

MASKARA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with