^

Pang Movies

Marian nakipagsabwatan para sa birthday ni Dingdong

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Ipinadama muli ni Marian Rivera ang pagmamahal sa boyfriend na si Dingdong Dantes nang bigyan niya ng sorpresang birthday celebration sa Manila Peninsula Hotel sa Makati noong isang kagabi ang boyfriend. Galing sa isang bayan sa Iloilo si Dong para sa isang proyekto ng National Youth Commission (NYC) kung saan isa siyang appointed commissioner.

Ibinalandra ni Yan Yan ang pictures ng selebrasyon at inimbitahan niya ang grupong Wolfgang upang magbigay saya sa party.

Larawan naman ng kasiyahan si Dong na kinunan ni Yan ng pictures sa harap ng birthday cake ng una with matching kakilig-kilig na mensahe.

“Makita ko lang ang mga ngiting yan at nag niningning na mata mo sa saya…Haay hindi matatawaran ang ligayang nararamdaman ko, hanggang kaya ko iparamdam at gawin ko yan sa yo sa araw-araw na ibinibigay ng Diyos na buhay gagawin ko…

“Makita ko lang yan palagi sa yo. Happy Birthday Dad! I love you…

“Thank you sa lahat ng present sa araw na ito, sa lahat nang kakunchaba ko para maging successful ang surprise party na ito, at higit sa lahat sa mga nagmamahal kay Dong. Salamat ng marami sa inyo! With much love and appreciation!” message ni Marian kay Dong at sa lahat ng naging bahagi ng selebrasyon.

Ngayong buwan ding ito ang birthday naman ni Marian kaya it’s your turn, Dingdong, na siya naman ang paligayahin mo, huh!

Happy birthday too, Dong!

Stage mother talaga: Kris todo-picture pa habang binabantayan sa shooting si Bimby

Umiral muli ang pagiging stage mother ni Kris Aquino nang magsimula nang mag-shooting ang anak na si Bimby Yap para sa Metro Manila Film Festival (MMFF) entry nila ni Vice Ganda. With matching photographer ang role ng TV host-actress sa set pero sumasama rin siyang maki-pose.

Kung magkasama ang ina at anak last year sa My Little Bossings, this December, magkalaban naman ang kanila-kanilang movies. Sa ganito nga namang paraan, kapwa sila may kikitain lalo na’t pareho  silang co-producer sa kanilang mga entries, huh!

This month din sisimulan ni Kris ang festival movie niyang Feng Shui 2 kahit sinasabing ghost month na. Gaya nang title ng entry niya, na-feng shui na niya ang date at araw ng first shooting at ayon kay Kris, masuwerte raw ang napiling petsa at date.

After Sarah Geronimo, si Kris naman ang hahatak kay Coco Martin sa pagiging box-office star sa pelikula na batid naman ng lahat na mas sikat sa TV kesa sa movies, huh!

Rafa na-push dahil sa ama

Ipinamulat na kay Rafa Siguion-Reyna ng ama na si Direk Carlitos ang mundo ng pelikula nu’ng bata pa siya. Siya ang naging bida sa mga documentaries na ginawa ng ama nu’ng six years old pa lang siya.

 So nang finally ay dinirek siya ng full length sa Cinemalaya X entry ng ama na Hari ng Tondo, wala nang ilangan at hindi na siya nahirapang sumunod sa instructions ng ama sa set.

“Kaya naman when I did the scenes kahit paulit-ulit, I felt that I did better every take,” say ni Rafa nang huli naming nakausap.

Schedules nga lang ang naging mahirap dahil may Ang Dalawang Mrs. Real ang bida na si Robert Arevalo habang siya naman ay merong Niño at Vampire Ang Daddy Ko.  Lolo niya si Robert sa movie na merong similarities sa namatay niyang lolo pagdating sa pagiging kind-hearted.

Pero between his dad and his mom na si Bibeth Orteza na director niya sa GMA sitcom, mas mabilis daw ang huli sa taping kumpara sa ama na hindi titigilan ang isang artista hangga’t hindi niya nakukuha ang gustong emosyon at eksena, huh!

 

vuukle comment

AFTER SARAH GERONIMO

BIBETH ORTEZA

BIMBY YAP

CINEMALAYA X

COCO MARTIN

DINGDONG DANTES

DIREK CARLITOS

NAMAN

NANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with