Bongga raw ang kargada Paolo ‘di dapat ikahiya ang sex video!
MANILA, Philippines - Mukhang kinumpirma na rin ng TV5 na si Paolo Bediones ang nasa sex video na kumakalat ngayon sa pamamagitan ng paglabas ng isang statement bilang suporta sa kanilang news anchor/executive.
At least, nasa panig ni Paolo ang TV5, huh! Eh wala naman siyang dapat ikahiya sa kargada dahil ayon sa komento ng ilang bading na netizens, “Yum! Yum! Yum!” Ha! Ha! Ha!
Kris proud kay P-Noy sa pagbibigay ng oras sa mga pamangkin
Aligaga man ang sambayanan sa State of the Nation Address ni President Noynoy Aquino kahapon, nagpahayag ng suporta ang kapatid niyang si Kris sa post niya sa Instagram na naglalaman ng text ng anak niyang si Joshua.
Ang sabi sa good luck text ni Josh kay P-Noy para sa SONA, “I love you very much”. Sumagot naman si P-Noy ng, “Thank you, Josh. Love you too.”
Saad ni Kris, “Kuya (Josh) showed me his text exchange w/ his Tito Noy from last night. My sisters & I are hearing Mass together before lunch…I post their texts because I wanted to share w/ you the human side of PNoy, that no matter how busy or stressed he is, he has always given my sons importance…At our core, we remain a solid, united, loving & supportive family. Good morning. God bless us all.”
Rafa ‘di mapakali sa pagkakakulong ni Sen. Enrile
Apektado rin si Rafa Siguion-Reyna sa isang lolo niyang si Senator Juan Ponce Enrile na nakakulong ngayon.
“Affected din ako sa nangyari sa kanya. But I give my full support. Wala naman akong magagawa. I just have to give my full support to him.
“Bumisita ‘yung mom ko…Ay, I forgot. ‘Yung tita ko yata. I think, tita and lola. They had a nice reunion,” say ni Rafa nang huli naming makausap.
Anyway, sa indie movie ni Rafa na Hari ng Tondo, director ang father niyang si Carlitos at ang mom niyang si Bibeth Orteza ang writer. Sila ng pinsan na si Cris VillongCo ang dalawa sa main cast.
- Latest