Abandonadong mina sa Reporter’s Notebook
MANILA, Philippines - Samahan sina Jiggy Manicad at Maki Pulido na siyasatin ang mga abandonadong mina sa Reporter’s Notebook ngayong Huwebes sa GMA7.
Matapos mabungkal ang mga nakatagong yaman, ilang minahan sa iba’t ibang bayan sa bansa ang iniwan na lang na nakatiwangwang ng mga kumpanyang namahala sa mga ito. Ayon sa batas, responsibilidad ng mga mining company ang rehabilitasyon ng mga minahan matapos ang kontratang ibinigay sa kanila. Sa pag-aaral ng Mines and Geosciences Bureau o MGB, may tatlumpu’t isang abandonadong mining site sa buong bansa na maaaring magdulot ng sakuna gaya ng landslide o pagguho ng lupa.
Sa bayan ng Pasil sa Kalinga, mistulang ghost town ang lugar kung saan dating may operasyon ng pagmimina. Pero hindi alintana ng mga residenteng nakatira malapit sa dating mining site ang peligrong dulot nito. Para kasi sa kanila, mas mahalagang mapagkunan pa rin ng kabuhayan ang abandonadong minahan. Kaya marami sa kanila, pinapasok ang maliliit na butas at gumagamit ng compressor upang makakuha ng latak na ginto mula sa minahan.
Huwag palalampasin ang mas pinatatag at mas pinalawak na pagbabantay sa mga isyu ng lipunan at pamahalaan. Abangan ang Reporter’s Notebook sa bago nitong araw, Huwebes, alas kuwatro ng hapon pagkatapos ng Dading sa GMA-7.
- Latest