^

Pang Movies

Gay community masayang-masaya para kay Fifth

Roland Lerum - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nakakaloka ang pag-amin ni Fifth Pagotan na hindi siya straight guy kung ‘di isang bisexual sa Pinoy Big Brother All In.  Nasa liga pala siya ni Rustom Padilla na naging BB Gandanghari na nagpabuko rin sa PBB noon.  Ang gwapo pa naman ni Fifth.  ‘Yung mga girls na may crush sa kanya, bigla tuloy nadismaya!

Pero ang beki community ay nagha-halleluiah sa ginawang pag-amin ni Fifth.  Bakit mang­hihinayang ang madlang pipol kay Fifth porke gwapo ito?  ‘Pag magandang lalaki ba bawal nang maging bakla?  Ano, puro panget lang ba ang may karapatang ma­ging beki?

Claudine walang paki kahit pinipintasan

sa ‘pictorial’

Nag-sexy photo shoot si Claudine Barretto kamakailan at maraming pumuna sa kanya.  Dapat daw ay nagpa-slim muna siya ng konti.  Dapat daw itinago niya ang kanyang mga pasa.

Pero walang pakialam si Claudine!  “Model ako ng isang battered wife, so why should I hide my bruises?  ‘Yung gumawa nito sa akin ang dapat mahiya, hindi ako!”

Galit pa rin siya kay Raymart Santiago hanggang ngayon, lalo na nitong hindi ito dumating sa birthday na anak nilang si Sabina.  Sabi niya:  “Kung absentee husband ka na, maging absentee husband ka na for life!  Hindi mo man lang naalala ang kaarawan ng anak mo?”

Idinepensa naman ni Raymart ang sarili niya.  Sabi niya :  “Hindi ko alam ‘yon kasi hindi naman ako invited e!  Sorry na lang, I hope maintindihan ni Sabina na hindi ko sinadya ang hindi pagpunta sa birthday niya.”        

             

CLAUDINE

CLAUDINE BARRETTO

DAPAT

FIFTH PAGOTAN

PERO

PINOY BIG BROTHER ALL IN

RAYMART SANTIAGO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with