^

Pang Movies

TV host walang maibigay na sked pero gustong magtrabaho

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Hindi pa nga masimulan ng isang TV network ang isang show dahil wala pa raw kasiguraduhan kung makaka-commit ang kanilang napiling host.

Gagawin na lang twice a month ang show para ma-accommodate ang tight schedule ng kanilang host. Hindi raw nito kayang mag-weekly dahil marami itong pinagkakaabalahan.

Handa na raw silang i-present ang concept sa kanilang host, pero walang mabigay na araw kung kelan siya libre. Kaya tengga muna ang production hanggang sa makipag-meeting ito sa kanila.

Nagpaabot naman ang napili nilang host na gusto nitong gawin ang show, ang problema lang ay ang schedule niya dahil puno na raw ang calendar niya for the next three months. Pero hinahanapan naman daw niya kung saan puwedeng isingit ang pakikipag-meeting sa production staff.

Wish nga ng staff na matuloy ang show dahil karamihan sa kanila ay ngayon lang ulit magkakaroon ng trabaho. Galing kasi sila sa mga shows na natsugi na at papatsugi na.

Iron Man pinakamalaki ang kinita ayon sa Forbes

Ang Hollywood actor na si Robert Downey, Jr. nga ulit ang hinirang ng Forbes.com bilang highest paid actor.

Kumita si Robert ng higit kumulang na $75 million between June 2013 to June 2014.

Ang 49-year old actor ay naging successful sa pagbida niya sa Iron Man film franchise. Ang huli ngang Iron Man 3 ay kumita ng $1.2 billion sa box-office worldwide.

 “As Iron Man, he’s the driving force behind four of Marvel’s biggest hits, including The Avengers,” ayon pa sa Forbes.com.

Sumunod naman sa rank ay ang former wrestler na si Dwayne “The Rock” Johnson na kumita ng $53 million dahil sa kanyang mga pelikulang G.I. Joe: Retaliation at Fast & Furious.

Sa third spot naman ay si Bradley Cooper with $46 million dahil sa pelikula niyang Hangover 3, Silver Linings, Playbook, at American Hustle.

Pang-apat naman si Leonardo DiCaprio na kumita ng $39 million dahil sa pinagbidahan niyang The Wolf of Wall Street at The Great Gatsby.

Panglima sa listahan si Chris Hemsworth with $37 million bunga ng kanyang pinagbidahan na pelikulang Thor.

Pasok din sa Top 10 sina Mark Wahlberg at Will Smith na parehong kumita ng $32 million.

 

Tigil muna sa ibang proyekto, Max nag-aaral tumugtog ng violin

 Abala nga sa kanyang violin lessons ang Kapuso leading lady na si Max Collins dahil ‘yun ang requirement sa kanya nang makuha niya ang lead role para sa international film titled Remembering Ada.

Kukunan sa Doha, Qatar ang naturang pelikula at ididirek ito ng Doha-based Pinoy director na si Janix Pacle.

Kuwento ni Max na nag-audition siya para sa naturang movie bago pa niya gawin ang pinagbidahan niyang teleserye na Innamorata.

 “It was through Direk Leo Martinez kung bakit ako nakapag-audition. Isa kasi siya sa mga producer ng movie.

 “Pina-email niya sa akin ang script at audition schedule. Natuwa naman ako noong ako ang napili. Isa sa dreams ko ang magkaroon ng international movie at natupad na nga iyon with this project,” sey pa ni Max.

Isang love story ang kuwento ng Remembering Ada. Gaganap nga si Max bilang isang Muslim na violinist named Ada at may long lost love siya na isang writer na Filipino.

 “Para siyang The Notebook. Maraming dramatic scenes. Makakasama rin sa movie si Alden Richards.”

 

ALDEN RICHARDS

AMERICAN HUSTLE

ANG HOLLYWOOD

AS IRON MAN

BRADLEY COOPER

CHRIS HEMSWORTH

DAHIL

IRON MAN

REMEMBERING ADA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with