^

Pang Movies

Bela nabingi sa magandang balita

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Hanggang ngayon ay nasa Cloud Nine pa rin si Bela Padilla dahil sa pagkapanalo niya bilang best supporting actress sa kagaganap lamang na FAMAS Awards.

Nanalo si Bela para sa role niyang isang mapag­higanting journalist sa pelikulang 10,000 Hours.

Kuwento ni Bela na nanggaling pa raw siya ng taping noong dumalo siya sa awards night sa Solaire Hotel and Casino. Kaya wala raw siyang time gumawa man lang ng acceptance speech kung siya ang mananalo.

“Ang feeling ko kasi, si Ms. Angel Aquino ang mananalo. Ang galing-galing kasi niya. So ano pa ang chances ko, ‘di ba? To be nominated is enough for a new actress like me.

“Kaya sobra akong nagulat noong tawagin ang name ko as the winner. As in, ako ba talaga? Gano’n pala ang feeling. Kapag name mo na ang tinawag, nabibingi ka!” tawa pa ni Bela.

Kinatuwa rin ni Bela na nanalo namang best supporting actor ay ang co-star niya sa 10,000 Hours na si Pen Medina.

Busy nga si Bela sa taping niya ng GMA original series na Sa Puso ni Dok with Dennis Trillo.

Andrea ayaw tarayan si Yassi

Wala naman daw magiging issue kay Andrea Torres kung magsalubong man sila ni Yassi Pressman. Babatiin naman daw niya ito dahil naging close naman daw sila noon.

Nagkaroon ng lamat sa pagkakaibigan nila ni Yassi dahil na-link si Andrea kay Sef Cadayona na ex-boyfriend na ni Yassi.

Ayon kay Andrea, wala naman daw siyang kailangan na i-explain kay Yassi dahil wala naman daw katotohanan na inahas niya ang boyfriend nito.

Dahil sa kumalat na tsismis, umiwas na raw si Yassi na kausapin at makasama siya.

“Pero kung magkakasalubong naman kami ni Yassi kung saan man, hindi ko naman siya dededmahin. Babatiin ko pa rin siya kasi naging close din naman kami when we were a group pa sa Sunday All Stars,” ngiti pa ni Andrea.

Magsisimula na si Andrea sa taping ng bagong pagbibidahan niyang telefantasya na Ang Lihim ni Annasandra kung saan makakasama niya sina Mikael Daez at Pancho Magno.

Solange naayos na ang gulo kay Jay-Z

Matagal nang nanahimik ang kapatid ni Be-    yonce na si Solange Knowles sa naging eksena nito sa elevator with her brother-in-law na si Jay-Z.

Nangyari ang eksenang ito noong nakaraang buwan ng Mayo during the Met Gala Ball in New York City.

Sa kumalat na viral video na kuha ng CCTV camera sa loob ng elevator, nakitang inatake ni Solange si Jay-Z pero nahawakan ito ng kanilang bodyguard.

Ngayon ay nagsalita na si Solange sa kanyang interview sa August 2014 issue ng Lucky magazine. Hindi naman siya nagdetalye sa nangyari pero okey na raw silang lahat pagkatapos ng insidenteng iyon.

“What’s important is that my family and I are all good. What we had to say collectively was in the statement that we put out, and we all feel at peace with that.

“We’ve always held each other down no matter what. That’s something I’m drilling into Julez now.”

Naglabas naman agad ng joint statement si Solange at ang kanyang pamilya sa nangyaring insidente with Jay-Z.

“As a result of the public release of the elevator security footage from May 5th, there has been a great deal of speculation about what triggered the unfortunate incident.

“But the most important thing is that our family has worked through it. Jay and Solange each assume their share of responsibility for what has occurred.

“They both acknowledge their role in this private matter that has played out in the public. They both have apologized to each other and we have moved forward as a united family,” laman pa ng statement.

vuukle comment

ANDREA

ANDREA TORRES

ANG LIHIM

ANGEL AQUINO

JAY-Z

NAMAN

SOLANGE

YASSI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with