Kahit niraratrat, AiAi walang keber sa bashers
MANILA, Philippines - Ipinamalas ni Governor Vilma Santos-Recto ang friendship niya kay AiAi delas Alas nang mag-text siya sa komedyana at inilagay naman ng huli sa Instagram account niya.
Text ni Ate Vi kay AiAi: “Ai good am!! Ok ka lang? Just checking friend. Dito lang ako. Text lang. Love you always! SMILE.”
Sa IG ni Ai ay inilagay niya ang mensahe sa kabigang gobernadora.
“Maganda umaga po Gobernadora…Kakatuwa naman ang idolo ko at kaibigan parating nandiyan for me. I love you too always (Gov Wonder kasi favorite movie ko nu’ng bata pa ako movie niyang WONDER VI pambata kasi ‘yun parang Tarzan na babae)…Cute cute…
“Respeto at pagmamahal sa ‘yo idol…I LOVE YOU ATE VI...”
Sa deklarasyon na Vilmanian at nagtanggol sa mga bashers ni Gov. Vi sa social media, umani rin ng batikos si AiAi. Maraming nagsulputang accounts na diumano’y peke para lang siraan ang Comedy Concert Queen!
Wala namang keber si AiAi. May freedom of expression at malaya niyang sabihin ang gusto niyang sabihin dahil wala siyang taong inaagrabyado at tinatapakan, ‘no?
Julia Montes masayang nawala na ANG MIRABELLA Ni Julia Barretto?!
Dahil sa short-lived na teleserye ni Julia Barretto na Mirabella, siguradong ikatutuwa ito ng isang Julia ng Kapamilya na si Julia Montes.
Kasi naman, on-going pa rin ang Ikaw Lamang na kinabibilangan ni Montes. Kahit sabihing ang team-up nina Coco Martin at Kim Chiu ang ibinibenta ng network, present pa rin ang character ng young actress at hindi pa sinisibak, huh!
Magkakaroon na rin ng peace of mind si Montes dahil nga mapapanood pa rin siya ng tao sa primetime at hindi magiging sagabal sa pagsikat niya ang pagkakaroon ng isa pang Julia sa Star Magic, huh!
Twitter account ni Gary V dinumog ng followers
Hindi makapaniwala si Gary Valenciano na umabot na sa 2M ang kanyang followers sa Twitter. Sa totoo lang, nasa Australia si Mr. Pure Energy nu’ng malaman niyang dumami ang kanyang followers kaya hindi siya makatulog kahit kinabukasan ay concert day niya sa isa sa cities sa Land Down Under.
Gustuhin man ni Gary na sagutin ang bawat tanong ng follower niya, ay hindi niya magawa dahil tao lang siya. Nag-tweet na lang siya na nandiyan naman ang Diyos na laging nasa paligid nila.
Sa pagbabalik sa bansa ng total entertainer, ratsada na naman siya sa rehearsals ng repeat ng kanyang Arise Gary V 3.0, na gaganapin sa SM Mall of Asia Arena ngayong August 2.
Mas pabobonggahin at patitindihin ni Gary ang repeat ng concert niya kasama ang tatlong anak na sina Paolo, Gabs, at Kiana.
Pacman wala pang naipapasang batas?!
Lumulutang na ang pangalan ni Manny Pacquiao bilang isa sa kinukuhang kandidato sa line up ng senador ni Vice President Jojo Binay sa 2016 presidential elections. Qualified naman sa posisyon ang Pambansang Kamao pagdating sa edad kumpara sa pagiging Presidente na una niyang idineklara noon.
Sa ngayon nga ay kongresista si Pacquiao. Eh kung gusto niyang manalo sa pagka-senador, this early ay simulan na niya ang pag-iikot sa bansa. Hindi sapat ang pagiging sikat niyang kandidato upang sure win sa elections.
Of course, makatutulong din ang muli niyang pagsabak sa boksing bago matapos ang taon at ang pagiging coach ng isang koponan sa PBA sa Oktubre. Pero kailangan din niyang kumayod nang todo at maging visible sa buong bansa hindi lang sa pamamagitan ng sports na ginagawa kundi maging sa pagtulong sa mga tao.
After all, wala pa kaming narinig na batas na naipasa si Pacman, huh!
- Latest
- Trending