^

Pang Movies

Pangarap ni Jodi na maging concert artist matutupad na!

FREE LANCER - Emy Abuan Bautista - Pilipino Star Ngayon

Natupad ang pangarap ni Jodi Sta. Maria na maging concert artist. At ito’y sa libreng concert - I Heart You 2: The Be Careful With My Heart Anniversary Thanksgiving Concert gaganapin sa Araneta Coliseum sa July 25.

Pinaghandaang mabuti ni Jodi ang concert at isang blessing din na umabot ng dalawang taon ang kanilang programa.

Ano ang nagawa ng serye kay Jodi?

‘‘Nagkaroon ako ng album, nakapag-perform sa ibang bansa. As a person I become more patient, understanding and more sensitive to the needs of other people. Kakaibang experience ang naranasan ko rito’’ aniya.

Ayon naman kay Richard Yap (Ser Chief) nag-enjoy siya sa serye kahit dumami ang puting buhok at lumaki ang eye bags dahil sa magdamagang taping.

Naantig naman kami sa tatlong bagets na kasama sa programa kung saan sinabi ng isa na dahil sa tumaas ang TF niya ay nasa pribadong eskwelahan na siya nag-aaral at lumaki na ang kanyang savings.

May nagsabi namang mapapa-graduate na niya ang nakababatang kapatid. Ayon naman sa isang bagets ay nakapag-travel siya sa abroad at nakatulong ang kanyang kinikita sa pagpapa-chemotherapy ng nanay na may breast cancer.

Kasama rin si Aiza Seguerra sa Be Careful With My Heart at bilang professional singer malaki ang magagawa niya sa concert. Hindi pala siya nagri-rehearse para sa nasabing concert. Basta’t alam na niya ang mga aawitin.

Ayon kay Aiza malaki ang nabago sa kanya ng programa dahil nadagdagan ang mga taong nagmamahal sa kanya. Nagkaroon siya ng mga bagong kaibigan, bagong nanay at mga kapatid. Nawalan siya ng time  makapaglamyerda sa gabi dahil sa magdamagang puyat at pagod.

Madilim na kahapon…

Makabuluhan ang paksang tatalakayin sa Love Hotline ni Jean Garcia kasama ang love expert na tagapayo tungkol sa tanong ng mga puso kung kaya bang ibunyag ng isang babae ang madilim niyang kahapon sa kanyang bagong pag-ibig? Paano kung hindi ito matanggap ng lalaki dahil sa pagiging rape victim niya? Guests sina Jennica Garcia, Lucky Mercado at Ervic Vijandre sa pagsasadula ng buhay sa Love Hotline ngayong Biyernes 4:15 ng hapon sa GMA7.

vuukle comment

AIZA SEGUERRA

ARANETA COLISEUM

AYON

BE CAREFUL WITH MY HEART

BE CAREFUL WITH MY HEART ANNIVERSARY THANKSGIVING CONCERT

ERVIC VIJANDRE

I HEART YOU

JEAN GARCIA

LOVE HOTLINE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with