^

Pang Movies

Dahil sa bisyo, kotse ng male celeb nahila na naman ng bangko

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nalulungkot ang ilang kaibigan ng male celebrity dahil sa nalalapit na pag­hila ng sasakyan gamit sa trabaho niya. In denial kasi ang celeb na ayaw na niyang gumamit ng sasakyan.

Alam kasi ng friends niya ang bisyo nito. So feeling ng mga kaibigan ng celeb, hinila ng bangko ang sasakyan dahil hindi niya nahuhulugan buwan-buwan ang loan sa bangko.

Madalas na payuhan ng kaibigan si male celeb na kumuha ng sasakyan. Para nga naman magkaroon siya ng corporate image tuwing dumarating sa mga events na kumukuha sa kanya. Eh, sa tagal na niya sa showbiz, at may pangalan naman siya, dapat lang na meron siyang nagagamit kesa naman lagi siyang nakikitang nag-aabang ng taxi, huh!

Nagkaroon na ng sasakyan noon ang male celeb. Pero laging hindi ito nagtatagal sa kanya. At heto muli ang male celeb na nakikita na naman ng taong nag-aabang ng taxi sa kalye, huh!

Atribidang aktres iniiwasan sa sobrang kakapalan ng mukha

Nasupalpal ang isang female celeb ng isang mas sikat sa kanyang female celeb nang pinangunahan ng una na i-blow out siya sa restaurant.  Atribida kasi ang less sikat na female celeb, eh ayaw ng ganoon ng mas sikat sa kanyang celeb, huh!

Mas gusto ng mas sikat na celeb na makasama ang isang bading na artista dahil hindi ito assuming. Kaya naman kapag umaalis ang dalawa, inaalam  nilang wala ang less sikat na celeb nang sa gayun ay hindi siya makasama, huh!

‘Kambal’ ni Rufa Mae type patusin ni Ya Chang!

Hiwalay na pala ang komedyanteng impersonator ni Rufa Mae Quinto na si Rufa Mi sa umano’y boyfriend nitong regular sa Walang Tulugan... ni Kuya Germs na si Mico Aytona. Sumali rin sa Survivor Philipines ang host-actor pero wala ring masyadong nangyari sa kanyang career.

Ang balita naming umaaligid ngayon kay Rufa ay ang Japanese na si Ya Chang, huh! Dinenay naman ito ng Hapon nang aming makausap.

Pero gusto niyang pormahan si Rufa Mi, available naman daw si Ya Chang dahil hiwalay na raw siya sa ina ng anak niya, huh!

Miguel walang interes sa porn

Aware si Miguel Tanfelix na ihiwalay ang trabaho sa personal na feelings niya sa ka-love team na si Bianca Umali. Baka masira raw ang love team nila kung isisingit niya ang panliligaw kay Bianca.

Ano naman ang feeling niya dahil magkakaroon na rin ng bagong inspirational series ang Channel 2?

 “Wala naman kaming magagawa kung tapatan kami. Basta pagbubutihin namin ang aming trabaho,” rason ng teen  actor.

Mabait  ba siyang talaga gaya ng role niya?

“Mabait po talaga ako! Ha! Ha! Ha!”  deklara niya.

Wala ba siyang naughty side?

“Feeling ko naman, ma-friends lang ako! Friendly po ako. Naughty? Siguro nu’ng…Hindi po ako lumayas. Bantay-sarado po ako. Hindi rin po ako nanonood ng X movies! Bawal po ‘yon! Ha! Ha! Ha!” tugon pa ni Miguel.

vuukle comment

BIANCA UMALI

CELEB

KUYA GERMS

MABAIT

MICO AYTONA

NAMAN

NIYA

RUFA MI

YA CHANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with