^

Pang Movies

Lea sumali na sa Noranians!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Kung tahimik lang ang Star for all Seasons na si Vilma Santos-Recto tungkol sa National Artist issue involving ang kanyang kumareng si Nora Aunor, hindi naman napigilan na magtanong ang Pinay internatonal star na si Lea Salonga na kuwestiyunin ang sinasabing moral issue sa pagpili ng National Artist.

Hindi katanggap-tanggap kay Lea ang pagkaka-disqualify ni Nora Aunor dahil sa issue regarding drugs. Kaya sa kanyang Facebook at Twitter account ay nag-post siya ng katanungan na ito...

 “I have a question: how do we know or not know that the other National Artist awardees, past and present, didn’t have sordid personal lives?”

Marami ang nag-respond sa tanong na ito ni Lea at agree sila na bakit si Ate Guy lang ang napag-initan sa ganyang issue?

Paano nga naman kung ang ibang hinirang na National Artist ay may mga tinatawag na “skeletons in the closet”?

Kung meron man, hindi naman daw naging issue ito dahil ang kanilang contribution sa sining at kultura ang naging mas importante.

Magawa kayang bawiin ang binigay na parangal sa mga ito dahil may moral issues din sila?

And speaking of Lea, kung tutuusin, deserving din siya para maging isang National Artist dahil nakilala ang husay ng mga Pinoy sa pagiging isang world class performer dahil sa kanya.

Si Lea lang naman ang kauna-unahan (at nag-iisa pa rin) na Pinoy na nakapanalo ng prestigious Tony Award on Broadway at ng Laurence Olivier Award sa West End dahil sa pagganap niya bilang Kim sa musical na Miss Saigon.

Si Lea rin ang lone Pinay artist na nag-headline sa mga musicals na Les Miserables (as Eponine and later on as Fantine) at The Flower Drum Song on Broadway.

Si Lea rin ang nag-iisang Pinay na nakapag-perform sa Oscar Awards in 1993, performing the Oscar-winning song, A Whole New World mula sa Disney animation na Aladdin.

Twice rin na kinuha si Lea ng Disney para magamit ang kanyang singing voice sa mga hit animation nilang Aladdin at Mulan.

Gumigiling sa mga matrona at mayayamang bading! Dating young actor na sariwa ang hitsura, tumanda na ngayon dahil sa kakakayod sa ibang bansa

Umuwi pala kamakailan ang isang dating young actor na produkto ng isang reality show na nagtrabaho bilang entertainer sa ibang bansa.

Dahil sa kawalan ng projects at nagkaroon pa siya ng anak sa kanyang girlfriend kaya napilitan na maging isang entertainer sa ibang bansa ang young actor.

Limang taon nang nagtatrabaho ang aktor bilang entertainer ng mga matrona at mga mayayamang bading sa kilalang bar doon.

Hindi naman nag-iisa ang aktor doon na taga-showbiz dahil marami raw sila roon na pareho ang trabaho.

Ayon sa aming source ay umuwi kelan lang ang aktor at malaki na ang ipinagbago sa hitsura nito. Hindi na ito baby-faced at mature na mature na ang hitsura nito. Mas lumaki na rin ang katawan nito. Dati ay tabain ang aktor pero ngayon ay wala na itong mga bilbil at mga nagtitigasang mga abs na ang meron.

Napuno na rin daw ng tattoo ang katawan nito na dati ay maputi at makinis.

Umuwi raw ang aktor dahil sa kanyang anak na two years din niyang hindi nakasama pero nasubaybayan niya itong lumaki. Parati raw niyang nakikita at nakakausap ito via Skype kaya kilala siya ng kanyang anak.

Hindi pa raw tapos ang kontrata ng aktor sa naturang bansa at after two weeks ay bumalik na siya roon.

May pinagagawang bahay ang aktor para sa kanyang pamilya at aabutin pa ng isang taon bago ito tuluyang matapos. Kaya tiis-tiis muna ang aktor bago siya makauwi manirahan sa bansa at iwan na ang kanyang trabaho.

Wala na raw balak ang aktor na balikan ang showbiz dahil alam niyang maiintriga lang siya at ang kanyang pamilya. Tama na raw iyong tahimik ang buhay nila at walang nagtatanong tungkol sa kanyang trabaho bilang entertainer.

vuukle comment

AKTOR

DAHIL

KANYANG

LEA

NATIONAL ARTIST

NORA AUNOR

PINAY

SI LEA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with