Na-shock sa ginawa ng kapatid, Lauren naunahan pa si Megan na ‘makipagniig’
Sinuportahan ng mga GMA artist ang special screening ng Overtime nina Richard Gutierrez at Lauren Young last Monday sa Cinema 1 ng Podium, sina Sarah Lahbati, ang magkapatid na Maxene at Saab Magalona, Thea Tolentino, Juancho Trivino at Macoy Morales. Dumating din sina Ruffa Gutierrez, Raymond Gutierrez, mga anak ni Ruffa na sina Lorin at Venice at ang mag-asawang Eddie Gutierrez at Annabelle Rama. Kasama namang dumating ni Lauren ang kapatid na si 2013 Miss World Megan Young.
Suspense-thriller na may halong comedy ang Overtime na idinirek nina Wincy Ong at Earl Ignacio. Isang hacker si Dom Garcia (Richard) who seeks revenge against a pharmaceutical company at ginamit niya sa revenge niya si Jody Amistoso (Lauren), ang executive assistant ng pharmaceutical company. Dark ang character ni Richard at palaban naman si Lauren, kahit sa mga kissing scene at love scene. Kaya may mga reactions ang grupo nina Richard at may pumalakpak pa sa mga eksena nila ni Lauren.
After the screening, nakausap si Richard na first time lamang palang napanood ang kabuuan ng movie: “Hindi ko alam na ganoon pala ka-comedy ang ilang eksena na bagay sa story para hindi naman lubusang matakot ang audience. Ang huhusay ng mga kasama ko, Mitch Valdes, Bearwin Meily, Rodfil, na mag-inject ng comedy na hindi pilit, situational talaga. For me naman, matagal ko nang gustong makagawa ng ganoong klase ng character. At kaya ko rin palang magpatawa sa eksena nang hindi pilit.”
Sa kissing scene, hindi ba nagselos si Sarah? “Nasa likod ko ang seat ni Sarah at alam kong during the love scene, inilalampas niya ang tingin niya. Sinabi ko naman before pa kay Sarah na may ganoong eksena at saka friends naman sila nina Lauren, kaya okey lamang iyon sa kanya.”
Si Megan ang na-shock na hindi raw niya in-expect na kaya nang gawin iyon ni Lauren, naunahan pa raw siya. Natawa naman si Lauren, dati na raw nakipag-kissing scene ang Ate niya sa Hiyas, pero naunahan nga niyang makipag-love scene. Hindi pa raw ready si Megan na gawin iyon, siguro raw kapag hindi na siya Miss World. May isa pang eksena si Lauren sa movie na napa-“ohh” ang mga nanood. At ano ang role na ginampanan ng mahusay na kontrabidang si Roi Vinzon?
Showing na simula ngayon, July 2 in theaters nationwide ang Overtime.
Richard at Sarah magkaka-pelikula na?!
May follow-up movie na agad si Richard Gutierrez last sa contract niya sa GMA Films. Hindi pa raw siya sure kung ang girlfriend na si Sarah Lahbati ang makakatambal niya dahil concept pa raw lamang at storyline ang naibigay sa kanya. Hindi pa rin niya alam kung sino ang magdidirek ng movie this time. As to a TV project, ayaw daw muna niyang gumawa ng teleserye, nakatutok daw muna siya sa reality show nilang It Takes Gutz to be a Gutierrez. May taping pa sila for the third season at ang pag-aalaga sa anak na si Baby Zion ang isa pa niyang concern sa ngayon.
- Latest