^

Pang Movies

Aljur wasak na wasak ang image

ISYU AT BANAT - Ed de Leon Mukhang - Pang-masa

Mukhang hindi nga yata maganda ang nangyayari ngayon kay Aljur Abrenica. Talagang binabanatan siya ni Robin Padilla dahil sa ginawa niyang basta pakikipag-split sa anak nitong si Kylie. Inamin naman ni Kylie na nasaktan siya nang basta na lang makipag-break ang aktor sa kanya sa tele­pono lang habang siya ay nasa abroad, samantalang noon nga naman kung anu-ano ang sinasabi bago naging sila.

Hindi rin daw maganda ang tingin sa kanya ni Gina Alajar dahil sa iba namang sitwasyon.

May nagsasabi rin na mukhang malabo rin naman ang career niya, dahil kahit na nga may hitsura naman siya at binibigyan siya ng build-up ng network niya, mukhang kulang pa rin ang acting niya. Bukod nga roon hindi masasabing maganda talaga ang resulta ng mga projects na bida siya.

May tsismis pa rin na may balak daw siyang lumipat ng ibang network.

Kung ganyan ang mga sinasabi ng mga tao tungkol kay Aljur, baka nga maapektuhan na rin ang kanyang popularidad. Actually ang palagay namin diyan dapat ipakete nila nang iba si Aljur. Palagay namin mas kailangan nilang bigyang diin kung may talent nga ba siya sa pag-arte o wala. Hindi mo rin kasi malaman kung ano ang gusto niyang pasukan. Hindi mo alam kung magda-drama siya, kakanta o magpapa-sexy na lang. Kailangan magkaroon ng priorities, at kung saan siya lulusot, doon na lang muna siya. Hindi dapat pagsabay-sabayin tapos pumapalpak.

Mukhang hindi rin ganoon kaganda ang PR niyang batang iyan. Kasi kung maganda ang PR niyan, kahit na papaano mag-aalangan ang press na patulan ang ganoong statement ni Robin Padilla laban sa kanya.

 

Gumawa nang kauna-unahang pelikulang ipinalabas sa mundo matatanggap na ang National Artist award

Hindi totoong na bale wala ang pelikula sa hanay ng mga national artist. In fact sa pagkakataong ito ay igagawad kay Manuel Conde ang karangalang matagal na sana niyang natanggap. Noon pang 2009 deklarado na si Manuel Conde eh, pero hindi niya natanggap iyon dahil sa kasong iniharap ng ilang national artists laban sa apat na ibang idineklara ni Gloria Macapagal Arroyo. Ngayon, si Manuel Conde ay tatanggap na ng parangal na nababagay sa kanya bilang national artist.

Si Manuel Conde ang gumawa ng Genghis Khan, ang kauna-unahang pelikulang Pilipino na ini­labas sa buong mundo. Binig­yan iyon ng ratings na mas mataas pa kaysa sa Genghis Khan na ginawa ng 20th Century Fox na bida si Omar Sha­riff, ng mga kritiko sa Hollywood. Naibenta kasi niya iyon sa kum­panya ni Howard Hughes noon. Ganoon din ang nangyari sa kanyang pelikulang Siete Infantes de Lara, na ang naging international title ay Sons of the Seven Devils.

Si Manoling Conde ay itinuturing na isang henyo ng pelikula maging noong kanyang panahon. Hindi lamang siya nanalo ng mga award sa abroad, ang mga pelikula niya ang isa sa mga dahilan kung bakit noong panahong iyon, ang Pilipinas ay itinuturing na nangu­nguna sa Asya sa paggawa ng pelikula.

Iyang ganyang mga artista ang dapat parangalan. Sila ang talagang dapat na tawaging mga artista ng bayan. Si Manuel Conde ay hindi lamang artista. Siya rin ang director, at writer ng kanyang pelikula.

vuukle comment

GENGHIS KHAN

KUNG

MANUEL CONDE

RIN

ROBIN PADILLA

SI MANUEL CONDE

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with