^

Pang Movies

Vice Ganda kinampihan ang pagmamaldita ni Jane

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nakakuha ng ka­kampi kay Vice Ganda ang Pi­noy Big Brother All In housemate na si Jane Onei­za sa tweet na inilabas ng komed­yante sa kanyang Twitter account. Eh sa housemates ngayon sa reality show, lubha silang inis na sa tingin nila na hin­di magandang attitude ni Jane, huh!

Ayon sa tweet ni Vice, marami rin ang may ayaw sa kanya nu’ng pumasok siya sa showbiz. Eh, nagsikap siyang mabuti at pinatunayan ang galing niya bilang komedyante kaya naman nagkaroon siya ng pangalan, huh!

Hindi naman daw paborito ni Vice si Jane sa mga housemates. Bumilib lang siya sa attitude nitong walang pakialam sa sasabihin ng tao basta sinusunod niya ang gusto niyang gawin.

GF ni Jake Cuenca hoping na sila na ang magkakatuluyan

Nakunan ng pahayag ng ABS-CBN ang girlfriend ngayon ni Jake Cuenca na si Channel Olive Thomas. May nagsasabi nga raw na kahawig ni Jessy Mendiola, dating diniskartehan ni Jake, si Channel.

Ayon kay Channel, hindi niya tinitingnan na negatibo ang komento sa pagkahawig kay Jessie. “She’s maganda. It’s not like it’s negative!” rason ni Channel.

Ngayon lang daw uli nagkaroon ng BF ang Fil-Australian model after four years. Kaya naman daw nakikita niyang magkakaroon sila ng magandang pagsasama ni Jake in the future although hindi pa naman nila pinag-uusapan ‘yon.

Nang tanungin kung ano ang nagustuhan niya kay Jake, tugon ni Channel, “He’s super sweet! He cares. I’ve never met somebody like him!”

Richard willing mag-teleserye sa ABS-CBN

Tinanggihan ni Richard Gutierrez ang isang mo­vie project na offer ng Star Cinema. Gusto man niyang tanggapin ‘yon, hindi pupuwede dahil nakatali pa siya sa GMA Films. Bahagi rin ng kontrata niya ang suspense-thriller na Overtime na mapapanood na bukas.

Handa namang lumabas ni Chard sa teleserye sa Dos kung maganda ang project. Hindi nga lang niya muna ipinapasok sa utak niya ‘yon dahil alam niya ang hirap ng paggawa ng teleserye.

“Besides, concentrated din ako sa reality show namin. Nandiyan pa si Baby Zion na ang bilis-bilis ng development. Gusto ko munang sa kanya ako focus at kay Sarah,” saad ni Chard sa huli naming pag-uusap.

This early nga raw, naghahanap na sila ng nursery school na puwedeng pasukan ni Zion ‘pag lumaki na. Hindi pa rin daw sila handa ni Sarah na sundan ang pa­nganay.

“Family planning muna kami. Hindi ko ma-imagine na tatlo o apat ang anak na pinag-aaral ko. Nakakataranta ‘yon! ‘Pag malaki-laki na si Zion, saka na kami magde­desisyon ni Sarah! Ha! Ha! Ha!” sabi pa ng aktor.

Ngayon nga ay may savings account na si Zion. Teka, kung kukunin sa endorsement si Zion, sino kaya ang manager, sila o ang nanay niyang si Annabelle Rama?

“Siyempre, kami ang magdi-decide ni Sarah! Ha! Ha! Ha!” katwiran ni Chard.

 

ANNABELLE RAMA

AYON

BABY ZION

BIG BROTHER ALL IN

CHANNEL OLIVE THOMAS

JAKE CUENCA

NIYA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with