^

Pang Movies

Matapos ipahiya at paiyakin, Kris nagpasalamat pa kay Mayor Herbert

- Vinia Vivar - Pang-masa

Last Sunday sa The Buzz ay nag-open-up si Kris Aquino ng kanyang tunay na nararamdaman kay Quezon City Mayor Herbert Bautista at sa kinahantungan ng kanilang short-lived relationship.

 “I tried, I tried to keep quiet,” ang simula niyang statement.

“It was unfortunate na humina ang self-control ko on A&A kasi tatlong buwan naman na kinaya ko talaga to keep quiet.

“Mahirap gawin ‘yun when you have two daily talk shows and you’re back here on The Buzz.

“Ironic nga na siya naman ang unang nagsalita, when expected ako ‘yung expected ng lahat na mag-share.

“I did keep quiet for one very human reason. I got hurt for that very same reason because I truly loved him.

“In the perfect world, the love you give the person you love will be the same type of love that he will give you.

“At magiging tama ang timing ninyong dalawa, na lahat ng mga mahal ninyo, lahat ng mga taong mahalaga, at may responsibilidad kayo sa kanila, handa na rin silang intindihin kayo.

“Perfect timing means ‘yung mga naging parte ng nakaraan n’yo, happy na. Kaya okey sa kanila na maging happy ka na rin.

“For me and James, ikinasal kami, nagpa-annul kami, malinaw ‘yung closure namin.

“And just a few months ago, finally, nagkapatawaran kami,” mahabang pahayag ni Kris.

Ayon kay Kris ay tama raw ang timing on her part dahil pati ang mga anak niyang sina Joshua and Bimby ay handang tanggapin si Bistek.

When they broke up, ang sinabi raw ni Bistek ay babalik ito kapag naayos na ang lahat ng kailangang ayusin kaya naman umasa siya at araw-araw ay nagdasal na sana nga ay maayos na ang lahat at sana ay sila ang meant to be na magkasama.

Pero nang napanood daw niya ang panayam ni Mayor sa Bandila, roon daw siya nagising sa katotohanang wala naman palang naghihintay na “somewhere down the road” for them.

“And you can’t stop crying because ‘yung future na inakala mo, ‘yung ipinagdarasal mo, the future that kept you going, those dreams just disappear.”

Ayon kay Kris ay nasaktan siya.

“Masakit talagang ipamukha sa buong mundo, na kahit mahal na mahal mo ‘yung tao, sa isang live interview, aamin siya na ayaw na niya sa iyo, hindi ka niya babalikan. And tatanggapin mo ‘yun. And maybe,  I rea­lly needed to learn a lot. Na I really needed to have strength of character.”

Bilang pangwakas ay nagbigay si Kris ng mensahe kay Herbert.

“I really wish that kung ano ang magpapaligaya sa buhay mo, kung ano ang kukum­pleto sa ‘yo bilang tao, sana lahat ng ‘yun, mapunta talaga sa ‘yo. Sana makamit mo ‘yun.

“Kasi, sa ‘yo ko natutunan ‘yung kinailangan ko talagang matutunan.

“All my life, I was selfish. But, in you, I proved to myself capable pala akong magmahal unconditionally. And kahit hindi nga maganda ang naging ending natin, ito ‘yung first time na nakapagsalita ako na hindi ako umiiyak, hindi ako galit, na grateful lang ako na dumating ka sa buhay ko. And someday, sana, sana maging magkaibigan pa rin tayo.”

Minahal kaya talaga ni Mayor?

Kris hindi nagawang ilibre ni Bistek ng kape

Naaliw naman kami sa komento ng mga netizens sa social media tungkol sa kwento ni Kris na naghati sila sa bayad ni Bistek nang mag-Starbucks sila.

Bakit daw naman kape lang ay hindi pa mailibre ni Bistek si Kris?

May nagtatanong din kung totoo kayang minahal ni Bistek si Kris dahil nagbigay ito ng dahilan sa break-up na aayusin muna ang lahat at saka siya babalikan pero the next thing we knew, nagpa-interview na sa Bandila si Mayor at nagsabi ngang hindi na siya babalikan.

Well, sa panayam naman ni Bistek sa Bandila ay sinabi niyang minahal niya naman si Kris.

 

vuukle comment

AYON

BANDILA

BISTEK

JOSHUA AND BIMBY

KRIS

KRIS AQUINO

NAMAN

YUNG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with