Aktor na pinu-push ng isang network mata lang ang puwedeng ipagmalaki
Napagmasdan ko na mabuti ang mukha ng aktor na bini-build up ng isang major television network.
Hindi naman pala kaguwapuhan ang aktor. Pansinin lang ang kanyang mga mata na very expressive pero bukod doon, wala nang outstanding na features ang mukha niya.
Sinuwerte lang ang aktor dahil napukaw niya ang atensyon ng fans na na-hooked sa panonood noon sa teleserye na kanyang tinampukan.
Jinggoy simbahan ang unang hinahanap ‘pag nag-a-abroad
Hindi ako nagtagal sa custodial center ng PNP sa Camp Crame nang dalawin ko noong Linggo sina Senator Bong Revilla, Jr. at Senator Jinggoy Estrada.
Nagpaalam na ako pagkatapos ng praise and worship na ginanap sa visitor’s lounge ng kulungan nina Bong at Papa Jinggoy.
Hindi ko na nahintay ang pamisa ni Papa Jinggoy na dinaluhan din ng kanyang pamilya.
Masuwerte si Papa Jinggoy dahil napakalapit lang ng Camp Crame sa bahay ng kanyang mga magulang sa North Greenhills. Kung may dala ka na sasakyan, limang minuto lamang ang distansya ng bahay nina Papa Erap at Mama Loi sa Camp Crame. Kung walang sasakyan ang dadalaw, walking distance lang ang custodial center ng PNP.
Effort naman ang pagdalaw kay Bong ng kanyang pamilya dahil nanggagaling pa sila mula sa Bacoor City.
Pero mas magastos kung kukuha pa sila ng bahay na malilipatan na malapit sa Camp Crame.
Kung puwede nga lang na tumira sa loob ng Camp Crame ang pamilya ni Bong, baka ginawa na nila para malapit sila sa kanya.
Matatanaw mula sa selda nina Bong at Papa Jinggoy ang Atlanta Center sa Annapolis, Greenhills.
Naging kontrobersyal ang Atlanta Center noong 2001 dahil doon natagpuan ang lifeless body ni Nida Blanca.
Board member si Mama Nida ng Movie and Television Review Classification and Board (MTRCB) na dating sa Atlanta Center ang opisina.
Natatandaan ko na pinuntahan ni Papa Erap ang burol noon ni Mama Nida sa White Plains, Quezon City.
Nakakulong noon si Papa Erap dahil sa plunder case pero pinayagan siya ng Arroyo government na dumalaw sa burol ni Mama Nida.
Big news at tinutukan lahat ng mga TV network ang pagdalaw ni Papa Erap dahil ‘yon ang bihirang pagkakataon na pinayagan siya na lumabas mula sa kanyang kulungan.
Dumating kahapon sa Sandiganbayan sina Papa Erap at Mama Loi dahil sinuportahan nila ang arraignment kay Papa Jinggoy.
Typical na Filipino family ang mga Estrada dahil para silang mga walis tingting na matindi ang pagkakabigkis.
Kumpleto ang mga miyembro ng pamilya sa mga okasyon na kailangan sila, lalo na sa mga oras ng pagsubok.
Muling napatunayan ang pagkakaisa ng Estrada family sa malaking pagsubok na dumating sa buhay ni Papa Jinggoy.
Namana ni Papa Jinggoy ang pagiging madasalin ni Mama Loi. Kapag nagpupunta siya sa ibang bansa, ang simbahan ang unang hinahanap ni Papa Jinggoy para makadalo siya sa misa. Memoryadung-memoryado nga niya ang mga oras ng misa sa Pinaglabanan Church at Greenhills Church.
- Latest