^

Pang Movies

Derek may natipuhang ‘angel’ sa Miss Manila

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Congrats sa lahat ng winners ng Miss Manila 2014 dahil hindi nabalewala ang kanilang mga pagpupuyat at paghahanda para sa beauty pageant nang i-revive ng administrasyon ni Manila City Mayor Joseph Estrada.

Binabati ko rin ang Viva Live, ang producer ng show dahil sa bongga at class na presentation. May mga kakilala ako na nagsadya sa PICC Plenary Hall para makita lang ang production design ng Miss Manila.

Ito ang mga nanalo sa beauty contest na nagsimula noong 1908 at binuhay ni Papa Erap ngayong 2014:

 Miss Manila 2014- Krischelle Halili

1st runner up- Princess Angela Abella

2nd runner up- Angelia Gabrena Ong

3rd runner up – Kayesha Chua

4th runner up – Julian Aurine Flores.

Tumanggap naman ng special awards ang mga sumusunod na deserving candidates:

Best in Swimsuit-Princess Angela Abella

Best in Evening Gown- Angelia Gabrena Ong

Texter’s Choice – Kayesha Chua

Choice of the Press  â€“ Angelia Gabrena Ong

Miss Photogenic – Julian Aurine Flores

Best Talent  â€“ Sheila Mae Morales

Miss Congeniality  â€“ Queenie Bautista

Miss Beautiful Skin- Princess Angela Abella

Miss Cream Silk – Shyrmain Macasio

Sina Derek Ramsay at Edu Manzano ang hosts ng Miss Manila 2014.

Kinilig ang audience sa dialogue ni Derek Ramsay kay Angelia kung puwedeng Angel na lang ang itawag niya sa dalaga.

Siyempre, naalaala ng audience na Angel ang tawag ni Derek sa kanyang ex-dyowa na si Angelica Panganiban na girlfriend ngayon ni John Lloyd Cruz.

Aliw na aliw naman ang manonood sa mga hirit ni Edu Manzano sa mga kandidata. Pati si Papa Erap, tawang-tawa sa mga litanya ni Edu at ayon ito sa source ko na inumpisahan at tinapos ang coronation night ng Miss Manila.

Mga special guest sa Miss Manila sina Martin Nievera,  Sarah Geronimo, Basil Valdez, Mark Bautista, at ang baguhang singer na si Jason Farol.

Sumaludo si Martin kay Papa Erap nang makita niya sa audience gallery ang honouable mayor ng Maynila. Kasama ni Papa Erap si former First Lady Loi Ejercito at ang kanilang mga anak na sina Jackie at Jude.

Kung hindi nakulong si Senator Jinggoy Estrada, tiyak na kasama rin siya ng kanyang mga magulang at kapatid sa PICC Plenary Hall, ang venue ng coronation night ng Miss Manila.

Si Krischelle Halili ang magiging ambassadress ng Maynila sa lahat ng mga event bilang siya ang hinirang na Miss Manila.

Tumanggap din si Krischelle ng cash prize at scholarship mula sa STI.

Kasalukuyang nag-aaral si Krischelle sa UST at medicine lang naman ang kanyang course. Dream ng bagong Miss Manila na maging dermatologist o plastic surgeon. Parang type ni Krischelle na sundan ang mga yapak ni Dra. Vicki Belo na alumna rin ng UST.

Sarah bibida sa musical na base sa pelikula ni Nora

Inabangan si Sarah Geronimo ng mga TV reporter dahil sa balita na siya ang magbibida sa musicale na Bongga Ka Day na itatanghal sa Meralco Theater.

Nabalitaan ko na ang Viva Live din ang producer ng Bongga Ka Day na bagay na bagay sa personalidad ni Sarah.

Ang Bongga Ka Day ang kanta na pinasikat ng grupo ng Hotdog noong dekada ’70. ’Yon din ang pamagat ng 1980 movie nina Nora Aunor at Lloyd Samartino.

ANGELIA GABRENA ONG

BONGGA KA DAY

MANILA

MISS

MISS MANILA

PAPA ERAP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with