^

Pang Movies

Mga taga-CCP at NCCA nakakalimutang tauhan lang ni P-Noy

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon

Talaga bang wala nang prerogative ang presidente ng Pilipinas sa pagpili ng National Artists?

Noon dinaan nila sa pagtutungayaw sa harapan ng CCP, nagladlad pa sila ng mga banner na itim dahil diumano sa pakikialam ni Gloria Macapagal Arroyo sa kanilang choices. Hindi nila nagustuhan ang pagkakadagdag ni Gloria kay Carlo Caparas, isang manunulat sa komiks at kinikilalang director ng mga tinatawag na ‘massacre movies’ noon sa kanilang hanay. Nagsampa sila ng demanda sa Korte Suprema, at kinatigan naman sila. Hindi ipinabigay ang titulo sa apat na idinagdag ni Gloria.

Ngayon nag-iingay na naman sila, dahil ginamit na naman ni P-noy ang kanyang prerogative nang alisin niya sa listahan si Nora Aunor. Dahil diyan umarangkada na naman ang mga taong kasama sa mga pumili kay Aunor. Sinabi ni Felipe de Leon ng NCCA na dapat magpaliwanag ang palasyo kung bakit inalis si Nora Aunor. Sinabi naman ng national artist na si Bienvenido Lumbera na ang pagkaka-alis ng presidente kay Nora Aunor ay insulto sa kanila na pumili doon.

Hindi tuloy namin maintindihan, ang ipinaglalaban ba nila ay si Nora Aunor o ang kanilang pagkakapili at sila ay nainsulto nang hindi ayunan ng presidente ang desisyon nila?

Iyang Proclamation na ginawa ni Presidente Marcos na lumilikha diyan sa hanay ng national artists ay maliwanag, iyan ay isang “presidential award”. Kasama riyan ang mga benepisyo na ang tanging makapagbibigay ay ang presidente lamang, kagaya sa buwanang pensiyon, at iyong karapatang sila ay maiburol sa CCP, at mailibing sa Libingan ng mga Bayani kung sakali man at mamatay na sila. Hindi maibibigay iyan ng CCP o ng NCCA lamang. Kaya nga “prerogative” ng presidente kung sino ang bibigyan niya ng ganyang karapatan. Maging iyang mga namumuno ng CCP at NCCA, kaya lang sila may karapatang manatili sa puwesto ay dahil sa appointment na ibinigay sa kanila ng presidente. Hindi sila nalagay diyan for any other reason. Tama ba na ang “amo mo” ay hingan mo ng paliwanag kung hindi niya nagustuhan ang desisyon mo?

Mukhang nakakalimutan yata nilang mga appointee rin sila ni P-Noy. Tingnan nga nila ang mga appointment papers nila. Tingnan nga nila kung saan nanggagaling ang budget nila? Tingnan nga nila kung ‘di ang mga ahensiya nila ay nasa ilalim ng Office of the President. Eh ano iyon?

Gumawa sila ng bagong batas na iyang national artist ay hindi na isang presidential award. Gawin iyang award na lang ng CCP at NCCA para sila ang masunod. Humanap sila ng mga sponsor para may maibigay silang benepisyo sa mga national artists nila. Iyon ang magandang magagawa nila ngayon.

Bilang mga concerned artists, lumikha sila ng samahan at maglagay ng pondo para matulungan ang mga artist na kasama nila sa hanay na nagugutom na rin dahil sa kawalan ng trabaho. Iyon ang dapat inaasikaso niyang mga nagsasabing concerned artist sila.

Nanay ni Sarah walang balak tumigil

Mukhang hindi titigil ang nanay at tatay ni Sarah Lahbati sa kanilang mga posting sa social media networks kung ano ang kanilang hirap para sa kanilang apo noong itinatago pa iyon nina Sarah at Richard Gutierrez. Idinidiin nila na isinilang iyon sa Switzerland na kung saan may batas na ang bata ay anak lamang ng nanay niya kung hindi kasal sa asawa, parang sinasabi nila si Sarah lang ang may karapatan dahil hindi naman sila kasal ni Richard, at wala pa nga silang balak pakasal. Idinidiin din nila na ang pangalan ng kanilang apo officially ay Zion Lahbati. Inilalabas din nila ang mga pictures noong panahong bagong panganak pa lamang si Zion na sila ang nag-aalaga, pati na ang pagdadala nila noon dito sa Pilipinas dahil ayaw pa ngang umamin noon si Richard Gutierrez na tatay na siya. Gulo ‘yan ha.

BIENVENIDO LUMBERA

KUNG

NILA

NORA AUNOR

RICHARD GUTIERREZ

SILA

TINGNAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with