^

Pang Movies

Bong may karamay na sa init sa selda

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Topic nang halos maghapon noong isang araw ang pagsuko at pagkakakulong ni Senador Bong Revilla sa Kampo Crame. Iyan ang isang bagay na siguro ni hindi dumating sa isip niya noon kahit na sa isang bangungot, pero nakakulong na siya ngayon. Marami ang nagsasabing mukhang malabo ring pag­bigyan ang kanilang kahilingan na ilipat siya sa ibang kulungan sa kabila ng kanyang reklamong mainit, maraming ipis at daga sa pinagkulungan sa kanya. Maski nga ang air cooler lang na dala ng kanyang asawang si Lani Mercado ay hindi pinayagan at kailangan pa raw hintayin ang desisyon ng korte.

May nagsasabi nga, kasi ang ginamit daw na PR ni Bong ay pang-movies at mukha ngang hindi naging epektibo ang dating. Maaaring sa mga lugar ng masa na pinuntahan niya bago siya nakulong ay iba ang naging pagsalubong sa kanya, pero sa media, at lalo na sa mga social media ay binabanatan siya.

Kung tutuusin, ang hinihingi nila ay mas simple lang naman. Mas malaking plunder ang kaso ni Gloria Macapagal Arroyo, pero nasa Veterans’ hospital, naka air-conditioned room, may garden, at may bath tub pa sa banyo. Malayo sa kalagayan ni Bong, at tiyak na baka ganyan din ang sapitin ni Senador Jinggoy. Hindi kami concerned ano man ang sapitin ni Enrile dahil hindi naman siya artista.

Kung iisipin, dapat nga madaliin na iyan para matapos na agad ang pagdinig sa kaso. Kasi ano man ang sabihin ng Sandiganbayan tiyak namang aapela pa sila hanggang Korte Suprema kung hindi pabor iyon sa kanila, at kulang ang dalawang taon para riyan.

Kung mananatili silang nakakulong hanggang sa 2016, tagilid na ang kanilang political career, na kailangan pa rin nilang ibangon kahit na papaano. O kaya magbalik na lang sila sa pagiging artista kung saan sila kikita nang mas malaki pa, at makukuha pa ang suporta ng masa.

Kaya pelikula ni Nora hindi nakasali, MMFF ayaw nang maulit ang sinapit ng Thy Womb

Dalawang beses yatang nasilat ang dating superstar na si Nora Aunor. Una, inilaglag siya sa listahan ng mga national artist dahil siguro sa isang makatuwirang dahilan. Hindi naman masasabing may galit sa kanya ang presidente, kaya iba ang dahilan kung bakit siya inilaglag.

Tapos inilaglag din ang kanyang sana ay film entry sa Metro Manila Film Festival. Isa lang ang nakita naming dahilan, iyong naging problema nila noon sa Thy Womb, na sa unang araw pa lang ng festival ay may mga sinehan nang nag­rereklamo, dahil wala silang tao ng mismong araw ng Pasko. Napilitan ang MMFF na bigyan sila ng ibang pelikula kaysa magsara. Nagalit naman siyempre ang kampo ni Nora Aunor dahil inalisan daw sila ng pagkakataon. Lumabas na pinaka-bagsak sa takilya ang Thy Womb. Puma­ngalawa naman sa pinaka-bagsak ang El Presidente na si Nora rin ang artista.

Eh ano nga ba naman ang gagawin nila, iyang MMFF ay isang trade festival na ang layunin ay kumita? Hindi naman iyan artistic festival eh. Dati nga iyan puro mainstream eh. Ngayon dahil walang pelikula, napasukan na rin sila ng mga indie na kunwari mainstream.

Low budget movies na nga iyong ibang kasali riyan eh, kaya tingnan ninyo, ni hindi nila maibigay ang casting ng kanilang pelikula.

Pero silat pa rin si Nora Aunor. Kawawa talaga ang artistang taga-Bicol.

 

EL PRESIDENTE

GLORIA MACAPAGAL ARROYO

KAMPO CRAME

KORTE SUPREMA

LANI MERCADO

METRO MANILA FILM FESTIVAL

NORA AUNOR

THY WOMB

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with