^

Pang Movies

Dahil sa titang si BB Gandanghari, RJ kasundo ang mga bading

Mary Rose Antazo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Very interesting ang role ng Kapuso actor na si RJ Padilla sa bagong afternoon prime drama na Da­ding  (kumbinasyon ng Daddy at Bading) ng GMA 7 na pinagbibidahan nina Gabby Eigenmann, Glaiza de Castro, Benjamin Alvez, at Gardo Versoza sa direksyon ni Ricky Davao. Bagama’t sensitibo ang tema nito dahil tumatalakay nga sa gay relationship, ang kagandahan sa programang ito ay siguradong magbibigay ng inspirasyon sa mga manonood dahil ipakikita rito ang ‘unusual-parent relationship’.

Lover ni Carding na ginagampanan ni Gabby ang papel ni RJ dito, isang maangas, manloloko at  salbaheng lalaki. First time niya itong gagampanan at napaka-challenging nito para sa kanya at kinu-consider niyang biggest break sa career niya so far.

Si RJ ay anak ng aktor na si Rommel Padilla at half-brother niya ang Teen King na si Daniel Padilla na hottest young actor ngayon. Natutuwa raw siya sa support na ibinibigay ng kanyang ama sa kanyang career. Advise nga raw nito sa kanya ay pagbutihan at mahalin ang kanyang trabaho.

Hindi ba sila nagkaroon ng ilangan ni Gabby sa kanilang mga eksena?

“Siguro ho malaki ang natutunan ko sa My Husband’s Lover kasi pinanood ko rin po.

“So dun pa lang ho, marami na akong makukuhang lesson pagdating sa mga ganitong role,” sambit pa ng bagets.                                      

 

vuukle comment

BENJAMIN ALVEZ

DANIEL PADILLA

GABBY EIGENMANN

GARDO VERSOZA

MY HUSBAND

RICKY DAVAO

ROMMEL PADILLA

TEEN KING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with