^

Pang Movies

Dennis wini-wish na hindi totoong pinabura ni Marjorie ang apelyido sa mga anak nila

YSTAR - Baby E - Pang-masa

When asked at the victory blow-out, organized by Star Cinema, for the stars, staff and crew of their still showing blockbuster movie, Maybe This Time, starring Sarah Geronimo and Coco Martin, what his take sa balitang napapalitan na ni Marjorie Barretto, dating misis niya ang family name ng kanilang mga anak na Baldivia (tunay  niyang apelyido) to Barretto na lang, dahil natuklasan nga raw ni Marjorie na nang pakasalan niya ito, ‘di pa annulled ang kasal niya sa unang asawa, malumanay na sagot ni Dennis Padilla: “Sana, huwag naman.

“Kahit papaano, maaapektuhan din ang mga bata. Naging mabuting ama ako sa kanila. At mahal na mahal ko sila.

“At paano rin kung makaapekto ito sa (budding) career ni Julia?”

Julia (Barretto) plays the title role in the afternoon series, Mirabella na matatapos na in two weeks time.

Kasama si Dennis sa Maybe This Time at gumanap siya bilang ama ni Coco.

Pangalawang movie na raw niya ito this year sa Star Cinema, na nagkaroon ng victory party dahil blockbuster nga.

“Sana ang third movie ko with them ay magkaroon muli ng victory party, nang muling magkaroon ng ganito (sabay taas ng envelope na naglalaman ng bonus) the same envelope na iniabot ng mismong President at CEO ng ABS-CBN, si Charo Santos Concio sa iba pang members ng cast.

Kasama ni Ma’am Charo sa pamumudmod ng ‘white,’ envelope ang kapatid na si Malou Santos, managing director ng Star Cinema.

Ang iba pang members na umuwing may kakaibang ngiti sa mga labi, bukod of course, kina Sarah, Coco at Dennis, ay sina Ogie Diaz, Garlic Garcia, Buboy Garovillo, Marlan Flores, Minnie Aguilar, and Zippi Borromeo.

Phillip Salvador araw-araw dadalaw kay Bong

True friend talaga itong si Phillip Salvador, who remained at Senator Bong Revilla’s beck and call, all through­out the ordeal na dinanas ng kaibigan sa Camp Crame, kung saan naka-detain na ngayon ang Senator-actor.

Namataan din namin si Phillip sa Senado, when the Senator-actor delivered his privilege, his last bago nga siya finally ay nakatanggap ng warrant from the Sandiganbayan.

“Hindi ko siya iiwan,” ani Phillip. “Kung kailangang dalawin ko siya araw-araw at papayag ang Camp Crame, gagawin ko.

“Napakabait na tao ni Senator Bong. Kaya, mahirap paniwalaan ang mga ibinibintang sa kanya.

“Well, we all pray the truth will come out. God is good,” susog pa ni Phillip.

Asawa ni Manilyn pumayag uling umarte

Ang mismong asawa na pala ni Manilyn Reynes, dating fellow Regal Baby niyang si Aljon Jimenez, ang nagma-manage ng career ngayon ng petite actress-comedian.

Now an exclusive talent ng GMA 7, Manilyn was last seen in the ABC-CBN series, Got to Believe, starring Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

For her first project with GMA 7 bilang exclusive talent, Manilyn is paired with another former fellow Regal Baby niya at naging BF din niya, si Janno Gibbs, in the family drama series, My BFF.

Heard that Aljon, together with Janno’s wife, Bing Loyzaga, is being asked to do a guest role in My BFF.

Well, ani Manilyn, pumayag man daw si Aljon na mag-guest pero hindi naman daw ito nangangahulugang babalik na sa showbiz ang asawa. Busy ito sa maliliit nilang negosyo.

ALJON

ALJON JIMENEZ

CAMP CRAME

MANILYN

MAYBE THIS TIME

PHILLIP

PHILLIP SALVADOR

REGAL BABY

STAR CINEMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with