^

Pang Movies

Gabby iniyakan ang pagka-Dading

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Kabadingan ang konsepto ng bagong afternoon drama ng GMA na Dading. Isang bading na tatay ang role ng nagbibidang si Gabby Eigenmann na masasabing biggest break niya bilang aktor.

Hindi nga maitago ni Gabby ang feelings niya sa pinakamalaking break sa buhay niya matapos lumabas sa so-so roles bago napansin nang husto sa Munting Heredera.

“It’s hard to explain (my feelings). I am overwhelmed! Hindi ko naman po talaga hinangad na makakarating dito. Pero I am so happy. Blessed. Really overwhelmed talaga.

“Ito ‘yung project na…Kahit sabihing showbiz, I’m proud to say na pinaghirapan namin talaga ito. It’s not just me. The whole cast. Kung wala sila, wala namang Dading eh,” pahayag ni Gabby sa press launch ng series na magsisimula na sa June 23 after The Half Sisters.

Parang naiiyak na siya?

“Hayaan mo na! Give this naman to me! Ha! Ha! Ha! I just feel so blessed. Honored to be working with these people. Grateful ako na nabigyan na naman ako ng ganitong pagkakataon.  Sa management. Not just me. The Eigenmann clan. Nararamdaman ko na paborito ninyo ako! Ha! Ha! Ha!” katwiran ng aktor.

Nangako naman si Direk Ricky Davao na hindi magiging katawa-tawa ang mga bading sa dinidirek niyang programa. May respeto rin kasi siya sa LGBT community kaya naman ayaw din niyang lumabas na mamaliitin ang mga bading.

Ricky Davao ligawin ng bading

Tinanong namin ang ilan sa male cast kung may nanligaw na ba sa kanilang mga ba­ding. Heto ang mga tugon nina Gabby, RJ Padilla, Benjamin Alves, Toby Alejar, at Ricky Davao.

“May instance when I was starting,” sabi ni Gabby. “Not for anything but ang sa akin lang, you can be friends with me and I can be friends with you.

“’Yung may attempt lang. ‘Yung are you avai­lable? Are you into? Sabi ko lang, I’m not interested. Don’t worry, we can be friends!” sabi pa ni Gabby.

 Ayon naman kay RJ, “Hindi pa po ako niligawan ng bading!” At kung sakaling may manligaw sa kanya, tugon ng kapatid ni Daniel Padilla, “Ipagdarasal ko na lang po siya!”

Si Direk Ricky naman, aminadong maraming nanligaw na bading sa kanya. “Maraming beses! Nu’ng high school pa lang ako, ligawin na ako! Ha! Ha! Ha!” sagot ni Direk Ricky. Buwelta niya sa amin, “Ikaw nga, inoperan mo akong mag-centerfold! I was 21 years old! Ha! Ha! Ha! Papasok ako sa iskuwela. May dala akong briefcase! Papasok ako ng Mapua. Tinanong ako ni Jun Nardo at sinabi sa akin, ‘Puwede ka bang mag-centerfold? Ha! Ha! Ha!”

Eh, si Toby naman?

“Meron pero let’s not go there! Ha! Ha! Ha!” iwas ni Toby.

Eh, si Benjamin naman, hindi pa siya nagkaroon ng experience maligawan ng bading.

“Ahhh, hindi pa. Wala pa eh. Wala pa, wala pa talaga!” ulit ni Benjamin.

Tanging si Gardo lang ang hindi namin natanong kung naligawan na ng bading dahil ang paglabas ng mujerista sa programa ang nakaagaw ng pansin sa presscon.

 

vuukle comment

AKO

BADING

BENJAMIN ALVES

DANIEL PADILLA

DIREK RICKY

DIREK RICKY DAVAO

GABBY EIGENMANN

NAMAN

RICKY DAVAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with