^

Pang Movies

Kahit i-deny, ‘pagpatay’ kay Cherie matagal nang sumingaw

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Nag-deny si Cherie Gil na nagkaroon siya ng problema sa staff o sa kung ano mang bagay na may kinalaman sa isang serye na kanyang ginawa recently. Pero hindi mo naman mabobola ang audience eh, kasi more or less alam nila what to expect sa isang kuwento, at halata kung biglang nawala o inaalis sa kuwento ang isang character.

Nauna rito, sumingaw na ang tsismis na nagkaroon ng problema si Cherie. Nag-react din siya sa sinabi ng isa sa staff ng show na siya ang problema, dahil nagbakasyon na nga siya at pinayagan naman siya, tapos minsan dumating siya sa set at gusto niya unahin lahat ng mga eksena niya dahil may lakad pa siya. Of course, ipinagtanggol ni Cherie ang kanyang sarili at sinabing kasinungalingan lahat iyon.

Marami talagang itinatago na lumalabas dahil sa kadaldalan din ng mga tao, lalo na ngayong nauuso ang chat sa social networking sites. May nag-post, bagama’t hindi nga binanggit ang pangalan ni Cherie, sinabi niya na tumulong pa siya para mabago ang kuwento at mapatay na lang ang kanyang character sa seryeng iyon na dinugtungan pa ng comment na “iba ito”.

Sinabi ni Cherie na hindi naman ganoon, dahil ok naman ang relasyon niya sa staff, pero obvious na iba ang kumakalat sa ilalim kaysa sa kanilang sinasabi. Natural lang na hindi magsalita ng kahit na anong negative si Cherie sa mga bagay na makakasira ng kanyang relasyon sa network, dahil siyempre umaasa pa siyang may makukuha pa ring trabaho roon after some time.

Binigyan din naman siya ng farewell party at lumabas namang maayos ang lahat.

Pero bakit naman may ibang sinasabi ang ibang tao.

 

Boots at Atty. King pinuri sa simpleng kasalan

May nag-private message sa amin na pinupuri ang naging kasal ng aktres na si Boots Anson Roa at abogadong si King Rodrigo. Kasi ang nakita raw ng publiko ay ang ginawa nilang pagpapakasal nang lehitimo sa simbahan na pinangunahan pa ng Arsobispo ng Maynila, Luis Antonio Cardinal Tagle.

Ipinakita nila ang patanggap ng sakramento ng kasal, pero hin­di na nakita ang kanilang ginawang bong­ga ring reception. Mas pinili nilang maging simple at ang matanim sa isip ng tao ay ang kasal at hindi kung papaano sila gumastos ng pera para sa isang magarbong kasal.

Tama naman iyon, ang daming nag­hihirap at nagugutom ngayon sa Pilipinas. Tapos ang nakikita nila ay ang pagwawaldas ng pera ng mga mayayaman.

ARSOBISPO

BINIGYAN

BOOTS ANSON ROA

CHERIE GIL

KING RODRIGO

LUIS ANTONIO CARDINAL TAGLE

NAMAN

PERO

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with