^

Pang Movies

Erap kay Jinggoy : ‘Kung wala kang kasalanan, wala kang dapat ikatakot’

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Ibinalandra na ng Manila City government ang 30 kandidata para sa Miss Manila 2014. Proyekto ito ni Manila Mayor Joseph Estrada kung saan ang chairperson ay ang anak na si Jackie Ejercito Lopez habang ang project consultant ay si Jewel May Lobaton. Parehong hi­walay sa asawa ang common denominator ng dalawa pero tikom ang bibig ni Jackie sa isyu sa kanila ng asawang si Beaver Lopez.

Sa pakikipagtulungan sa Viva Group of Com­panies, magaganap ang koronasyon sa June 24 sa Philippine International Convention Cen­ter. Ang beneficiary nito ay ang Dialysis Center ng MARE Foundation, Inc. na pinamumunuan ni Dra. and former senator Loi Ejercito-Estrada.

Bukod sa naggagandahang kandidata, na­ging interesado rin ang press sa komento ni Mayor Estrada at Jackie sa sitwasyon ng anak at kapatid na si Senator Jinggoy Estrada.

Pahayag ni Mayor Erap sa sitwasyon ni Sen. Jinggoy, “Sabi ko sa kanya, kung wala kang ka­sanalan, wala kang dapat ikatakot. Kung ikulong ka, ‘di ikulong ka na lang! Ako rin nakulong din. Wala naman silang napatunayan na kasalanan ko.

“Nag-apologize pa sa akin ang dating President Aquino. Nagkamali raw sila sa EDSA Dos. Nag-apologize rin sa akin si Bishop Tobias in behalf of Catholic church. Six years akong nagdusa na wala akong kasalanan.

“Kahit na magtiis nalang siya. Malakas naman ang loob. He’s willing to face…The family is behind him lalo na ako!”

Sabi naman ni Jackie, “sana maging okey na lahat. We always talk and we pray. And then, we give encouragement to each other!”

Kris ayaw nang sumbatan si Herbert!

Hindi pinaunlakan ni Kris Aquino ang request ni Ricky Lo na magbigay ng reaksyon sa na­ging pahayag ni Mayor Herbert Bautista sa Bandila last Friday. Ibi­nalandra pa niya ang text ng Phi­lippine Star entertainment editor at Startalk host sa Instagram account niya.

Rason ni Kris, “It is tempting to defend myself but what for? I’v stumbled several times in my public handling of private break ups. And after all those experiences, thank God, NATUTO NA AKO.  There is peace in keeping quiet kasi nga kagaya ng sinabi ni Boy Abunda, pag mainit pa ang sitwasyon at marami kang nabitawang salita pag kalmado na, pinahirapan mo lang ang sarili mo kasi ang dami mo kailangang walisin at ayusin. At 43 years old, finally learning when it’s best to keep my mouth shut.” 

Paalis na sa Boracay si Kris sa post niyang ito sa IG niya. Delayed ang flight nila.

Sa isa naman niyang post, kinunan niya ang picture ng Pink Bear niya na nanonood ng speech ni Sen. Bong Revilla. “May balat si Pink Bear kaya hindi kami makauwi. I think Pink Bear isn’t welcome to become a QC resident.”

Pati stuffed toy, sabit sa gulo ngayon kina Kris at Bistek, huh! Nakauwi naman kahapon si Kris kasama ang dalawang anak at mga kapatid pero via PAL Express na at hindi na ‘yung plane na una nilang sinakyan, huh!

 

BEAVER LOPEZ

BISHOP TOBIAS

BONG REVILLA

BOY ABUNDA

DIALYSIS CENTER

JACKIE EJERCITO LOPEZ

JEWEL MAY LOBATON

PINK BEAR

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with