^

Pang Movies

Claudine ipinangalandakan ang pagkikita nila ni Atong Ang

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Nabuhay na naman ang isyu tungkol sa businessman na si Atong Ang at kay Claudine Barretto dahil sa picture na inilabas nito.

Dati nang na-link ang dalawa at nangyari ito noong nagsasama pa sina Claudine at Raymart Santiago.

Hindi lamang si Papa Atong ang na­tsis­mis kay Claudine dahil pati si Senator Jinggoy Estrada, na-link sa estranged wife ni Raymart.

Hindi pinaniwalaan ang mga tsismis dahil happily married noon sina Claudine at Raymart.

Hindi porke’t magkasama sina Papa Atong at Claudine sa picture, may relasyon na agad sila. Walang ipinagkaiba ‘yan sa tsismis na nag-uugnay kay Claudine at sa lawyer na si Atty. Ferdie Topacio na tinatawanan lang ang mga intriga dahil maligaya siya sa piling ng kanyang legal wife.

Kris pinagmukhang cheap ni Herbert: ‘Silence is better than bullshit’ - Kris

Imposibleng hindi na-hurt si Kris Aquino sa mga sinabi ni Quezon City Mayor Herbert Bautista sa Bandila.

Posibleng napanood ni Kris ang live guesting sa Bandila ng kanyang ex-boyfriend dahil nasa Boracay siya at nagbabakasyon, kasama ang  mga anak na sina Joshua at Bimby.

Kung hindi napanood ni Kris ang interbyu, hindi siya maglalagay sa Instagram ng very meaningful statement na  â€œSilence is better than bullshit.”

May isang fan si Kris na sobrang imbyerna kay Herbert dahil sa interview nito sa Bandila. Parang sinampal, dinuraan at pinagmukhang cheap daw ni Papa Herbert si Kris dahil sa dialogue ng alkalde ng Quezon City na hindi na nito liligawan si Kris dahil mas mahal niya ang kanyang mga anak.

Wala akong makita na masama sa statement ni Papa Herbert dahil nagpakatotoo lamang siya. Bilang isang magulang, tama lang na pinili ni Herbert ang kan­yang mga anak dahil kung si Kris ang nasa sitwasyon niya, siguradong pi­­piliin din ni Kris sina Joshua at Bimby.

Hindi lang si Papa Herbert ang nag-iisang lalake sa mundo. Ma­ka­­­kahanap pa si Kris ng mhin na mag­mamahal sa kanya. Nagkataon lang na may mga anak ang mhin na na­gustuhan at minahal niya kaya na­ging kumplikado ang kanilang re­las­yon. Walang magiging problema si Kris kung binata at walang anak ang mhin na mamahalin niya.

Siyanga pala, maraming salamat sa ipinadala ni Papa Herbert na birthday gift. Nahuli man, puwede na rin.

Kris hindi na umaasang babalikan ni Herbert

“No looking back” ang huling post kahapon ni Kris Aquino sa kanyang Instagram account.

Obvious na tungkol sa naudlot na relasyon nila ni Papa Herbert  ang post ni Kris  at hindi dahil nakatalikod siya sa camera nang kunan ng litrato habang tinitingnan niya ang asul na karagatan.

Para  mag-post si Kris ng “no looking back,” isa lang ang meaning nito, tapos na tapos na ang relasyon nila ni Papa Herbert at hindi na siya umaasa na magkakaroon ng Part 2 ang kanilang special friendship.

Successful mother si Kris, successful ang kanyang showbiz career pero hindi siya mapalad sa pag-ibig. Ganyan talaga ang buhay  ng isang high profile celebrity.

Marian parang reyna sa kanyang dance show

 Nagustuhan ko ang teaser ng Marian, ang dance show ni Marian na malapit nang mapanood sa GMA7.

Reynang-reyna ang dating ni Marian sa teaser na paulit-ulit na ipinapakita ng GMA 7. Matapos ma­pa­tunayan ang husay sa pag-arte, ang galing sa pagsa­sayaw ang ipapakita ni Marian sa kanyang mga tagahanga.

Kahit hindi sabihin ni Marian, siguradong aapir sa dance show niya ang kanyang boyfriend na si Dingdong Dantes na expert din sa pagsasayaw.

BANDILA

CLAUDINE

DAHIL

HERBERT

KRIS

PAPA HERBERT

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with